[20] Unrequited love?

1.6K 40 2
                                    

a/n: Buti na lang at hindi apektado nang bagyo ang internet. Medyo mabagal lang pero keribels. How about you guys? Jaljinaesseoyo (how are you?) Stay safe and dry everyone! :D

PS: Dedics ulit for @thellchix ilang dedics pa ba gagawin ko para lumuwas ka na? haha! thank you sa flood votes kagabi. hihi xD pambawi na rin 'to dahil binura ko yung updates ng MCCG. Lumuwas ka na, utang na loob! maghanap na tayo ng trabaho! haha xD ayoko na maging palamunin. :p

Twenty

^^^

FRANCINE REESE ARAGON

"Reese! Let's go?" tanong ni Ashley. Last day ng klase namin ngayon. October 25, plano naming mamasyal or magpunta sa salon para sa birthday ni Rae. Haaay! Magdadalaga na ang baby ko.

"Why do we need to go to the mall? May exclusive salon naman para sa mga royal family member. Tss! And I have my own designer" Pagmamaktol ko sa kanya.

"Minsan kailangan mo rin lumabas, ikaw din! Hindi puro si Ram nalang iniisip mo" Bullseye! It's been a week since that incident in the elevator. After nun hindi na siya muling nagpakita pa samin.

"Who says I'm thinking about him?" papunta kami sa locker ngayon para kunin yung mga libro na hindi na namin gagamitin para sa second sem.

"So hindi na nga? Ang bilis ah! Move on agad?" I smirked.

"That's one of the perks of being FRANCINE REESE MONTEREAL ARAGON" She pouted.

"Edi ikaw na! ganda gandahan oh. Tss!" she opened her locker. Mag mga nalaglag na sobre. Haha! Hanggang ngayon ba naman may suitors pa din sya? Haha! Kinuha niya yun lahat tapos tinapon sa trashcan na malapit samin. Haha! Saklap dre. Di man lang binasa, ang hard niya po no?

"Ganda-gandahan? What are you implying? Hello! Goddess here!" sabay turo sa sarili ko. Napatawa naman siya. Haha!

Napatigil naman kami nung may marinig kami sa di kalayuan. "So Marian. Tuloy talaga date niyo ni Ram mamaya?" sa tantya ko si Casey yon.

"Yeah. Dinner with his Family sa mansyon nila" Oh talaga? Tss. Damn!

"Moved on ha?" pang-aasar ni Ashley. This girl! Tss.

Hindi ako nagsalita at inayos na lang yung mga iuuwi kong gamit. "OMG! You're hands are bleeding" Oo nga no? Pero di naman masakit.

"Hysterical ka na naman, it's just a paper cut" kinuha ko yung panyo ko tapos tinali sa sugat ko. "Paki-buhol please" sinunod niya naman. Sa bahay ko na gagamutin 'to mamaya.

"We should see a doctor" bulong niya. Muntanga talaga 'to si Ashley. Haha!

"Enebe! I told you it's nothing, malayo sa bituka 'to! Sige na, ayusin mo na yang gamit mo naghihintay na sila Royce sa kotse" Yeah. Isang kotse lang ginamit namin ni Louis kanina papasok. Plano nga kasi namin mamasyal. Pero si Royce may dalang kotse, malamang dun ako sasakay. Kailangan ko nang sanayin ang sarili ko na mapalapit sa kanya.

"So pagkatapos mo sa fiance ko, kapatid niya naman? Haha! You're pathetic Francine" Lindsay. Bigla na lang sumulpot.

"You shut up Lindsay!" Ashley. I raised a hand para wag siyang makisali samin. "Pero Ree--" Tumingin lang ako sa kanya, as if saying that I can handle this.

The Obnoxious One ✔️Onde histórias criam vida. Descubra agora