[21] For her Happiness

1.5K 33 0
                                    

a/n: Thank you very much by Bestie ang soundtrip ko ngayon. HAHA! LSS ako e. Try nyo din pakinggan, korean siya pero ang ganda kasi nung kanta. :] anw, hahayaan ko na lang muna yung ibang stories ko. Magfofocus muna ako dito tska sa LV. Iuupdate ko yun pag bumalik na yung feels. Sa ngayon kasi wala akong maramdaman. HAHA!

PS: COMMENTS guys, kailangan ko yun. Kahit tatlo lang. Maencourage lang ako, haha!

~

Twenty One

~

FRANCINE REESE ARAGON

Tomorrow is Friday, October 27th birthday na ni Rae. My engagement party also. I should be happy like others do when they’re going to be engaged but I can’t. It’s a different story for me.

“Anong itchura yan te?” Ashley. Pumipili kami ng schedule ngayon, syempre gusto ko pang-umaga pa din.

“Maganda” tipid kong sagot habang sinusulat yung mga napili kong scheds, buti na lang at lima na lang ang subjects ko. Kaso puro major -_-

“Ay te! Ang kapal. Pwede ko na bang ihampas sayo ‘tong binder ko?” i glared at her. Natakot naman siya. Mabuti naman.

“Where do we go after this?” tanong niya habang ginagaya naman yung schedule na napili ko. Haha! Gusto niya classmates kami all the time e.

“You’re going to accompany me to my personal designer” ngayon ko kasi titignan yung pinagawa kong gown for Rae’s birthday. Dalawa yun para yung isa sa engagment ko naman kung may chance na magpalit ng damit.

“So your design is finaly finished?” tanong niya, ako kasi nag-design nung isa. Pati yung gown na susuotin ni Rae, gusto niya daw kasi na ako mismo ang gumawa. She trusts my judgements naman daw. Sabi ko nga interior design ang course ko hindi fashion designing, ayos lang naman daw.

“Oo. Nung isang araw pa, tinamad lang akong puntahan, haha!” sinara ko na yung notebook ko, ililipat ko na lang to sa enrollment form tapos ipapasa sa college namen and then enrolled na ko, tuition na lang. Which is I know bayad agad after this, hindi katulad nung dati, inaabot pa ko ng midterms bago makumpleto tuition namin ni Rae. Money really can do anything.

“Kain muna tayo sa cafeteria” PG kasi ‘to eh. Haha! Laging gutom pero hindi naman tumataba.

“Nagutom ka na nun? Three hours ago pa lang nung last na kumain tayo ah? PG ka talaga, haha!” I laughed at her.

“Eh pan—Oops!” Napahinto siya sa paglalakad at parang naestatwa. Tumingin naman ako dun. Si Ram, kasama si Lindsay. Ang saya nila ah? Tss. Naka-move on agad? Oh well, ganyan naman talaga sila. Kunwari mahal ka tapos one of these days biglang wala na lang.

Hellooo! Ikaw kaya nangiwan! Sabi ng konsensya ko. OO na! Ako na! It’s not my choice, I needed to.

The Obnoxious One ✔️Onde histórias criam vida. Descubra agora