[26] beogeoshipda (i miss you)

1.6K 29 6
                                    

a/n: Short update lang nakayanan ko, haha! Who's up for another BS? vote lang kayo, pag nagustuhan ko yung number ng votes gagawa ako nang bagong BS. haha!

~

Twenty Six

FRANCINE REESE ARAGON

December

One month na rin pala ang nakalipas after nung eksena namin ni Lindsay sa classroom. So far wala pa namang nangyayaring kakaiba saken. Hindi pa naman ako nadidisgrasya.

Pero minsan din napapansin kong maraming matang nakatingin saken, well. Ganun pag maganda eh. Haha!

“Reese!” Tawag sakin ni Ashley. Nauna kasi siyang dumating dito sa cafeteria dahil dumaan pa ko sa deans office para makilala ko yung napili nilang pumalit sa scholarship ko.

Lumapit ako sa table nila. Ofcourse she’s with her boyfriend and my fiance. “Grabe ka naman makasigaw!” bulyaw ko sa kanya. Ayoko ngang pinangangalandakan na nandito ako e, tumatahimik kasi ang paligid. Which is very unusual.

“Ay sareh!” pagiinarte niya. Kahit kailan talaga to makapaginarte lang wagas! Eh mas maganda naman ako. Haha!

Tss. Umiwas na lang ako ng tingin at sinuot yung shades ko. Ganito ako, favorite ko ang shades. Sakto namang may dalawang bulto ang pumasok sa entrance ng cafeteria. Pangitaing masakit sa mata. Buti na lang pala naka-shades ako no? kung hindi makikita nilang affected ako.

Everyone knows that I am in a relationship with my fiance’s brother. Same as alam nilang fiance ni Ram si Lindsay but we still managed to continue our relationship. Wala kaming pakealam sa sasabihin ng iba.

Almost four months pa lang kami ni Ram pero mahal ko talaga yang loko na yan.

“Tignan mo oh, hindi ba sila nasasaktan pag nakikita nilang may kasamang iba yung mahal nila?”

“Siguro nasanay na lang din”

“Pero hindi naman bagay si Francine at Ram eh, okay na sila ni Royce. Dun na lang siya”

Nag-init bigla yung ulo ko sa mga sinabi nung mga tsismosa sa tabi. Shet! Paisa lang please? Hinarap sakin ni Ashley yung cellphone niya. “Tignan mo oh, ang cute neto Reese” pero wala naman talagang nakalagay dun maliban lang sa |chill, wag ka pahalata te|

“Oo nga ang cute. Haha!” para-paraan din pag may time. Haha!

“Asan? Patingin” pag-epal ni Louis. Haha! Tsismoso talaga.

“Wala na. Naexit ko na, tara na Reese. Pasok na tayo, may quiz tayo sa ergonometrics e. bawal ma-late dun, walang sinasanto yung prof natin”  tumayo na agad si Ashley at hinila ako kahit hindi pa man ako nakakasagot.

The Obnoxious One ✔️Onde histórias criam vida. Descubra agora