Zackery
"She died due to an accident."
"I will always love her forever and ever."
"She was an inspiration."
"Leaving us was never her choice."
Ganyan ang mga naririnig ko habang unti-unting inilalapag sa ilalim ng lupa ang kabaong ni Isabelle.
Inaamin ko, hindi ko siya ganun ka-close. Pero buong klase namin ang umattend sa funeral niya hanggang sa burial.
Madaming umiiyak na kaklase ko at nandun ako at pinapakalma sila.
Kasama rin ang boyfriend niya na si Enrico.
Ang ibang kabarkada ni Enrico na sina Allysa, Helena, Paolo at Jessica.
Kasama rin namin ang class president na si Theo, ang vice president na si Hannah at ang iba pang class officers.
Ang tahimik ng buong memorial park, ang naririnig ko lang ay ang mga hikbi at iyak ng mga mahal niya sa buhay at mga nagmamahal sa kanya.
Pinasuot sa kanya ang puting dress na paborito niya at ang piano na ginagamit niya ay kasama sa mausoleum ng libingan ng blood line nila.
Masyadong malagim ang mga nangyari kay Isabelle at hindi na pinakalat pa ng section namin dahil kami ang suspects ng mga pulis. Ewan ko kung bakit pero wala na naman ako sa school nung nangyari yung trahedya.
Nakita na lang bigla ang hiwa-hiwalay na katawan ni Isabelle sa locker ng cleaning materials at ang puso niya ay nasa locker ng kanyang boyfriend at may note na kasama.
Sabi niya, ang nakasulat daw dun ay 'Alam ko na mahal na mahal ka ni Isabelle kaya eto ang puso niya.'
Her gorey story still gives me the chills. Di ko inakala na may brutal na tao na gagawa ng ganoong uri ng krimen. Dissection nga ng palaka hindi ko kaya e, paghihiwa-hiwalay pa kaya ng katawan ng tao?
Narinig kong humagulgol ang nanay ni Isabelle at agad naman siyang pinakalma ng kanyang asawa. Di mapigilan ng iba kong kaklaseng umiyak lalo na si Enrico dahil silang dalawa ang pinakamatagal ng couple ng school namin. Since 1st year, sila na. Dalawang buwan na lang, gagraduate na kaming lahat.
Umalis kami ng memorial park ngunit marami pa ring umiiyak dahil isang mabait na bata si Isabelle. Naalala ko pa isang beses nung nawawala ang phone ko, yun pala tinatago ni Jessica at Allysa dahil silang dalawa ang mahilig mambully ng mga taong walang kakayahan na gumanti.
Wala naman kasing katuturan ang pagganti sa mga pambubully at wala ring katuturan kung papansinin ko pa ang mga ginagawa nila.
Nakarating na ako sa bahay ko at dumiretso sa computer para pumunta sa blog ko. Biglang tumunog ang phone ko, may tumatawag.
Teka, number 'to ni Isabelle.
Isabelle de Vera
+639*********
Unti-unti akong nangilabot dahil hindi na kailanman nakita ang cellphone ni Isabelle matapos ang pagkamatay niya. Maraming nagsasabi na ang spirit ni Isabelle ay pumasok sa kanyang cellphone upang manggulo at takutin ang mga suspect about sa case niya.
Sinagot ko ang tawag at unti-unti kong itinaas papunta sa tainga ko ang cellphone.
Wala akong ibang naririnig kundi ang mabigat na buntong ng hininga sa kabilang linya.
"She did not leave. Sh-she's here for revenge." Mahinang boses ng lalaki na hindi ko malaman kung sino.
"Te-teka!" Sigaw ko sa cellphone.

BINABASA MO ANG
Trapped
Horror"They told us that she's dead." "But they were lying." "She's not." "She's back for revenge." "And we are all trapped." "In an eternal curse." "Remember, never trust."