Curse 4 : Together Forever III

146 2 0
                                    

Zackery

Di ko mapigilang makadama ng pagkaawa sa pamilya ng nasawi na si Kim. Sobrang wala sa posisyon ang mga parte ng katawan ni Kim dahil sa pagkahulog niya mula sa ikaapat na palapag ng building ng school namin. Dislocated. Yung ibang buto, nakahiwalay na. Yung mukha niya, halos di na makilala dahil sa dami ng dugo at pagsabog ng kanyang bungo.

Humahagulgol ang nakaluhod na nanay ni Kim habang hinahawakan ang mga braso nito. Ang tatay niya naman ay naka-sunglasses lang at hinihimas ang balikat ng kanyang asawa, para mapakalma ito kahit papano dahil kahit anong mangyari, alam na nilang dalawa na hindi na makababalik pa ang anak nila na si Kim.

Sa sobrang kalungkutan sa loob ng kwarto, naisipan kong lumabas na lang ng infirmary at nakita ko ang nurse na papasok na ng infirmary dala ang english teacher namin. Napatakip ako sa bunganga ko dahil sa hindi magandang itsura ng dati naming magandang english teacher. Huminga ako ng malalim at nagsalita.

"Uuwi na po ako. Kayo na po ang bahala sa parents ni Kim." Wika ko at nginitian ko siya bago tuluyan siyang makapasok ng infirmary. Kinuha ko ang bag ko sa bench sa labas ng infirmary. Habang naglalakad ako palabas ng building. Nakita kong nakasilip sakin si Theo sa staircase. Kinabahan ako pero hindi ko pinabayaan na matabunan ng doubt ko ang paniniwala ko na hindi naman talaga siya ang pumatay.

"Anong ginagawa mo jan?" Tanong ko sa kanya.

"Iniisip mo rin ba na ako yung pumatay?" Mahina niyang tanong sakin, dahan-dahang siyag naglakad papalapit sakin.

"Sa tingin mo ba ganun ako kababa? Porket hawak mo yung knife ikaw na agad? Ilang beses na akong nakapanood ng ganyan sa mga movies. Ano ba kasing nangyari?"

Humabol siya sakin at nagsimula na kaming maglakad.

"Nakita ko kasi si Mam na nakayuko kaya nilapitan ko siya at kinalabit. Pero hindi siya gumagalaw, kaya itinaas ko ang mga balikat niya at ipinuwesto ng ayos sa upuan. Biglang sumirit yung dugo galing sa bunganga niya tas natumba ako at gumulong papunta sakin ang ulo niya. Biglang nandilim ang paningin ko at nakita ko si..." Napatigil siya sa pagsasalita.

"Si?"

"Si Isabelle." Napatingin siya sakin at nanlaki ang mga mata niya.

"Buhay si Isabelle." Hinawakan niya ang balikat ko.

"Dude, nakita nating ilibing si Isabelle. Nakita nating umiyak ang lahat. Wag mong banggitin ang imposible." Sagot ko sa kanya at tinanggal ang kapit ng mga kamay niya sa balikat ko.

Napahinga siya ng malalim.

"Ayokong maniwala na patay na si Isabelle." Tinignan niya ako sa mata. "Buhay si Isabelle."

Naglakad siya paalis at hindi na muli pang lumingon.

Patay na nga ba talaga si Isabelle?

Napaisip ako ng malalim sa mga salitang binitawan ni Theo.

Pano kung hindi pala talaga tuluyang namatay si Isabelle?

Pero yung puso niya at yung pira-pirasong mga katawan. Kanino yon?

Bumaha ng sobrang daming tanong sa isip ko. Iba-iba. Pero iisa lang ang pinanggagalingan. Ito ay ang pagkamatay ng kaklase naming si Isabelle.

Habang pinanood kong mawala ang figure ng katawan ni Theo sa malayo, napagtanto kong dadaanan ko pala ang Janitor's Closet kung saan nakita ang ibang parte ng mga katawan ni Isabelle. Napalunok ako.

Tumingin ako sa ibang hallways ngunit sarado na ang mga gates na naghahati sa tatlong building ng school. Bakit ba kasi alas-singko pa lang, isinasara na ang mga gates na to?! Hindi ba nila alam na may mga kailangan pang gawin ang ibang estudyante sa loob ng paaralang 'to?

TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon