Theo
49 minutes earlier
Naglalakad ako sa loob ng bahay nang bigla akong makarinig ng tunog ng telepono. Agad akong pumunta sa sala at sinagot ang tawag.
"Hello?" wika ko.
"Mr. Theo? Is this you?" nakarinig ako ng malumanay na boses ng babae sa kabilang linya na nanginginig sa di malaman na dahilan.
"Yes ma'am. This is Theo."
"Please do come here, if you're available. I found a letter of Chelsea for Isabelle," matapos niyang magsalita, agad kong narinig ang mahina nitong pag-ngiwi dahil sa kalungkutan, "I need you and your friend. Alam kong mas kilala niyo ang mga kaklase ninyo that's why I chose you first. I trust you. That's... all, good night."
"Okay ma'am, pupunta po ako."
Agad akong nagmadali papaakyat ng hagdan at nagbihis ng komportableng damit para sa kahandaan na pakikipaglaban kung may mangyayari mang masama sa akin.
Sana wala...
Paglabas ko ng bahay, naramdaman ko ang malamig at tuyong hangin na agad nagpanginig sa katawan ko. Tinignan ko ang orasan at nagsimulang tumakbo papalabas ng bahay.
Bawat oras ay mahalaga.
Baka sa susunod ay mamatay na naman..
I am the president of my class and I have to protect them!
Bago makarating sa bakod ng bahay namin, naalala ko si Zackery at tinawagan ito. Nang sumagot siya, agad kong sinabi ang mga narinig ko mula sa nanay ni Chelsea.
"Zack, may nakita daw na letter ang parents ni Chelsea para kay Isabelle. Pupunta ako ngayon, sasama ka ba? Alas siyete pa lang naman ng gabi." wika ko habang naglalakad.
"Sige sige."
---
Sa kalaliman ng gabi, unti-unting lumamig ang paligid. Napatigil ako nang bigla akong makarinig ng kaluskos ng mga dahon mula sa likod ko.
Dahan-dahan akong lumingon ngunit wala akong nakita kundi ang malamlam na liwanag ng ilaw-dagitab sa tabi ng daan.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at nagsawalang-bahala na lamang sa kung ano ang naririnig. Sa sobrang kaba at takot, nagpadala ako ng sms kay Zackery para tanungin kung nasan na siya. Matapos kong pindutin ang send, muli akong nakarinig ng kaluskos sa likod ko kaya binilisan ko ang lakad ko at tumakbo. Ngunit napatigi ako nang makita ko ang payaso sa dulo ng daan.
Naiilawan siya siya ilalim ng isang ilaw-dagitab. Mayroon siyang dalang butcher's knife at nakangiti siya sakin. Hindi siya ngiting nakakatuwa o simpleng nakakatakot.
Nakikita ko sa ngiti niya kung ano ang mga maaari niyang gawin sakin. Unti-unti ko nang nararamdaman ang takot na dumadaloy sa dugo ko at unti-unting nanginig ang mga tuhod ko.
"Hi... Theo..." wika niya habang dahan-dahang naglalakad papunta sa akin, "san ka papunta? Sa pulis? Kay Zackery? Wala ka nang mapupuntahan!" napahawak siya sa ulo niya at tumawa ng sobrang lakas.
Napaatras ako at bigla akong bumunggo sa isang katawan na mas maliit pa sa akin. Paglingon ko ay agad kong nakita ang gas mask niya kaya tumakbo agad ako papalayo ngunit mas mabilis siyang tumakbo kesa sakin. Agad niya akong nahabol at may itinurok sa leeg ko.
Huli kong nakita ang nalaglag kong phone na tumutunog dahil sa tawag ni Zackery. Dumilim na ang lahat nang pulutin ng payaso ang cellphone at sagutin ang tawag.
Zackery
"Hello?" tawag ko, "sino to? Theo?!"
"Zackery?" nakarinig ako ng boses ng babae sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
Trapped
Horreur"They told us that she's dead." "But they were lying." "She's not." "She's back for revenge." "And we are all trapped." "In an eternal curse." "Remember, never trust."