Curse 5 : The Beginnings

110 4 0
                                    

Zackery


Together Forever...

Yan ang nakita namin sa cellphone ni Margaux nang matagpuan namin ang duguan niyang katawan sa gitna ng daan malapit sa river. Ayon sa mga pulis, nakakita sila ng mga putol-putol na katawan at nakita nila ang isang ulo ng babae sa kabilang dulo ng lawa. Napagtanto nila na ang babae nga ay si Chelsea. Between 4-6 hours lang daw ang pagitan ng pagkamatay ng dalawa naming kaklase.

Sunod-sunod na pagpatay ang nangyayari sa klase namin. As of now, 18 na lamang kaming natitira sa klase, out of 22. Wala na si Kim, Chelsea at Margaux. Dagdag na rin si Isabelle.

Wala na nga ba talaga si Isabelle?

Bigla akong nakarinig ng bulong mula sa likuran ko habang naglalakad sa hallway ng building namin. Napalingon ako at wala naman akong nakita. Napailing na lang ako at pinilit ang sarili kong isipin na 'wala yun, guni-guni mo lang yun'.

Binuksan ko ang pintuan ng classroom namin ng dahan-dahan. Pagkakita ko sa buong lugar,

Walang tao.

Lumapit ako sa table ko at ibinaba sa gilid ng upuan ko ang bag ko. Time check; 6:47 am. 43 minutes pa bago mag-simula ang klase. Wala pang katao-tao sa paligid. Wala akong ibang naririnig kundi ang mahinang ugong ng pag-ikot ng electric fan blades at ang mahinang tick tock ng orasan.

Nakarinig ako ng dalawang parehas na ringtone at sabay silang tumunog. Kinilabutan ako at nahirapang huminga. Eto na naman tayo, magsisimula na naman siya. Narinig ko ang nakapanhihilakbot na tunog ng Fur Elise.

Nagmula sa dalawang table ang tunog, kay Kim at Chelsea. Kinilabutan akong lalo, bawat balahibo sa balat ko ay nagsitayuan. Nanginig ang mga tuhod ko habang sinusubukan kong tumayo. Iniurong ko ang upuan ko upang dahan-dahang makaalis mula sa pagkakaupo.

Maayos akong nakatayo. Patuloy pa rin sa pagtunong ang Fur Elise. Iniyapak ko ang kaliwa kong paa, sumunod naman ang kanan. Unti-unti akong naglakad patungo sa upuan ni Chelsea. Sa ilalim ng upuan ni Chelsea, narinig ko ang phone niya, umiilaw-ilaw ang screen.

Yumuko ako at kinuha ang cellphone. Pag-ilaw muli ng screen,

Isabelle de Vera has sent an MMS

Binuksan ko ang message at napatakip ako ng bunganga sa nakita ko. Nandoon ang pugot na ulo ni Chelsea, walang mata at tila nakabuka ang bunganga, namatay ng takot. Merong nakasulat na description sa mensaheng natanggap ko. Habang nagloload ang message, parang may nagbukas ng pinto. Napalingon ako sa pintuan, nakita ko na wala namang tao.

Ibinaling kong muli ang tingin ko sa cellphone at nakita ko ang message ni Isabelle. Nanlaki ang mga mata ko.

Together forever...

Another message of desperate friendship...

Kinabahan akong lalo nang biglang tumunog na naman ang nakakatakot ng tono. Narinig ko ang cellphone ni Kim. Tinignan ko ang cellphone ni Kim na nasa ibabaw ng mesa niya at nagvavibrate habang naglalabas ng creepy sounds.

Dahan-dahan akong lumapit sa cellphone na pinagmumulan ng tunog. Kinuha ko ang phone at binuksan ang message. Napaupo ako sa sobrang takot.

You're next.

Ibinato ko ang cellphone ng sobrang lakas.

"There's no escaping the curse, Zackery." Nakarinig ako ng morphed voice mula sa likuran ko.

Lumingon ako at doon ako nakakita ng clown. Red hair, red circular blemishes sa cheeks, red lipstick, maluwag na damit at malaking sapatos.

Clank!

TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon