Zackery
"Being a journalist is not just writing articles about what's happening around you," nagsalita ang journalism teacher namin, "hard news and soft news aren't the only ones that can be found in a newspaper-"
Biglang tumunog ang cellphone ko, nakalimutan ko pala to i-silent.
"Miss Herrera, mukhang may tumatawag sa'yo, baka gusto mong sagutin na lang para hindi tayo lahat ang nabubulahaw ng gustong kumausap sa'yo." Biglang sabi ni ma'am.
"Sorry po ma'am." Ngumiti ako awkwardly dahil alam kong nakatingin sakin ang lahat.
"Peste, sino ba 'to?" Napabulong ako paglabas ng kwarto, bakit ba natawag tong si Theo? Journalists' meeting e, "anong kailangan mo?" tanong ko, halatang iritable.
"Ay sorry!" wika ni Theo sa kabilang linya, "naistorbo ba kita?"
"Okay lang, naistorbo mo na ako e, sabihin mo na, baka magalit na teacher ko..."
"May lead ako kung sino ang susunod na papatayin..." Humina bigla ang boses ni Theo at halatang-halata na biglang dumaloy ang sobrang laking takot sa kanyang sistema, "kailangan natin magkita, ngayon na. Pumunta ka sa kwarto ng section natin."
Pumasok ako sa loob ng classroom at sinabi ko sa teacher na may emergeny at agad-agad niya akong pinaalis. Binuhat ko ang bag ko at nagsimulang magtatakbo.
Di na ako pwedeng maisahan pa ng kung sino mang pumapatay. Namatay na si Alyssa at iba pa, masyado nang marami ang biktima ng hayop na yon. Oras na para malaman kung sino at pigilan siya.
Nakita kong nakaupo sa Theo sa loob ng classroom hawak ang mga kamay niya at mabilis niya itong hinihimas sa isa't-isa. Napapansin kong nanginginig din ang mga braso niya kaya agad kong inilapag ang gamit ko sa upuan ko at nilapitan siya.
"Sino-"
"Si Paolo," sagot niya, "si Paolo ang susunod."
Kinilabutan ako at nagsitaasan ang mga balahibo sa braso at likod ko. Sa bait na yon ni Paolo may magtatangka pang pumatay sa kanya? Dalawang taon ko nang kaklase yun at never ko siyang nakitang gumawa ng masama. Siguro may pagkabastos at presko pero hindi siya lumampas sa limit niya.
"Ba-bakit si Paolo?!" pautal kong tanong.
"Hiniram ko ang cellphone niya," yumuko siya at tinignan din ang cellphone niya, may pinakita siya saking mga numero, "ito ang tumawag sakin bago ako habulin nung payasong may hawak na malaking butcher's knife."
Muli na naman akong nasindak sa sinabi ni Theo.
"May teyorya ako na si Paolo ang susunod dahil bago siya sumubok na pumatay, tinatawagan niya ang kung sino man ang balak niyang patayin. Tulad ko, sinubukan niya akong patayin isang beses ngunit natakasan ko siya at kinabukasan, nakita kita nun na sinusundan ng clown na yon kaya agad kitang tinawagan."
"Pe-pero di niya ako tinawagan bago niya ako subukan kitilin," sagot ko, "wala naman akong mahanap na dahilan kung bakit ako ang dapat niyang patayin."
"Baka may alam ka tungkol sa kanya na hindi dapat malaman ng iba kaya wala siyang pasaring sa'yo bago ka niya patayin," Nangingilabot na sambit ni Theo, "kailangan na nating pigilan ang mga pagpatay niyang 'to."
"EY!" Nagulat ako nang bigla akong makarinig ng sigaw mula sa labas ng classroom. Nandon si Josh at nagsasasayaw habang nakasuot ng earphones niya. Nakita niya kaming dalawa sa loob at lumapit.
"Oy alam niyo ba," wika niya at kinutkot ang bulsa niya, inilabas niya ang phone niya, "nakareceive din kayo ng message na 'to diba?"
"Oo," sagot ko, "ano meron?"
BINABASA MO ANG
Trapped
Horreur"They told us that she's dead." "But they were lying." "She's not." "She's back for revenge." "And we are all trapped." "In an eternal curse." "Remember, never trust."