Curse 3 : Together Forever II

119 3 3
                                    

Third Person

Walang tao sa infirmary. May babaeng naglakad papasok sa loob nito. Nakaputi habang duguan ang kanyang long, white dress.

"Napakahina mong tao Kim. Wala kang kwenta." Bumulong siya ng mahina at tumawa na para bang isang nababaliw na tao. Nakahihindik. Nakatatakot. Nakababaliw.

May narinig siyang mga footsteps papunta sa infirmary. Pumasok siya sa ilalim ng kama na hinihigaan ng babaeng si Kim. Natakpan ng buhok niya ang kanyang mga mata at nakita ang bunganga niya.

Nang makita niya ang mga paa ng tatlong tao sa loob ng infirmary.

"Theo, hanapin mo na yung dalawa." Narinig niya ang maliit na boses ng isang babae at may isang lalaking lumabas ng infirmary. Narinig ng babae sa ilalim ng kama ang tono ng Fur Elise.

"Excuse me, mam." Muling nagsalita ang maliit na boses ng babae.

Mag-isang naiwan sa infirmary ang English teacher nila.

Napangiti ang babae sa ilalim ng kama at may dumaloy na dugo mula sa kanyang mga labi.

No one can escape her wrath.

Theo

"Nasan na ba kase yung dalawang yon. Aba, malapit na mag-thirty minutes, kanina pa ako naghahanap ah. Nakakayamot na." Mahina kong bulong habang tuloy-tuloy ang paglalakad ko sa hallway.

Bigla akong nakaamoy ng malansang amoy. Di ko ma-explain kung ano pero sobrang lansa ng amoy sa paligid ko. Tinakpan ko ng panyo ko ang ilong ko at naglibut-libot pa.

Nakakita ako ng classroom na bahagyang nakabukas ang pinto.

"Nakabukas ba talaga dapat 'to?"

Dahan-dahan kong binuksang tuluyan ang pinto at doon ko nakita ang teacher namin sa English na kanina'y nasa infirmary, nakayuko.

"Oh, mam. Andito na po pala kayo?" Wika ko habang unti-unti akong naglakad papunta sa kanya.

"Mam? Okay lang po ba kayo?" Kinabahan ako at dahan-dahan akong lumapit papunta sa kanya.

"M-mam?"

Lumapit ako sa desk niya. Tumingin ako sa paligid. Wala namang tao.

Sinubukan kong pindutin ang braso niya. Matigas. Hindi tama 'to.

"Mam! Mam!" Sinigawan ko siya. Hinawakan ko ang mga balikat niya at sinubukan siyang itayo. Ngunit-

Pagkataas ng ulo niya, nakita kong nakapiring siya at nakabusal. Biglang natanggal ang panyo na nakapasok sa kanyang bunganga at biglang tumagas sa mukha ko ang sariwang dugo.

Napaupo ako sa sahig dahil sa sobrang gulat. Hinawakan ko ang mukha ko. Tinignan ko yung kamay ko at doon ko nakita ang dugo. Pulang dugo, sariwa at sobrang malansa.

No. No. No!

Napasigaw ako sa sobrang takot.

Pagtapos ng pagtagas ng dugo, biglang bumagsak muli ang ulo ng teacher namin sa desk at gumulong ang ulo niya papunta sakin.

Nakaharap sakin ang mukha niya. At unti-unting bumagsak ang piring mula sa kanyang mata.

Bumagsak na tuluyan ang kanyang piring at doon ko nakita ang eye sockets niya na wala nang mga mata.

Nangisay ako, nangatog at tumayo ang mga balahibo. Takot na takot na ako at halos mabaliw sa mga kadiring bagay na nakikita ko.

Unti-unting dumilim ang paningin ko at ang huli kong nakita ay ang hugis ng katawan ni Isabelle.

TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon