Allysa
Kadiri naman 'tong lipstick na 'to. Pero wala e, kailangan kong magpaganda kay Paolo. Bakit kase sa dinami-dami ng tao yun pa? Nanjan naman si Zackery at Nicole? Bakit dun pa sa lalaking yon?
Tibo ka Alyssa diba? Tibo.
Binura ko ang lipstick sa labi ko. Ang daming lipstick stain na napunta sa puti kong panyo. Anong iisipin sakin ng nanay ko neto? Malandi? Haliparot? Meh. Bahala na, basta tomboy ako, hindi ako babae.
"Uy Alyssa! Sabay na tayo mag-lunch?" Bigla akong tinanong ni Paolo.
"H-ha?" Wika ko.
Put yourself together Alyssa, keep it cool.
"Crush mo na naman ako Paolo?" Sambit ko, grabe, sobrang galing kong mameke ng emotions. Kailan ba 'ko lalantad kay Paolo na crush ko siya? Kaiyak naman 'to.
"Tss. Ang assuming mo na naman Alyssa. Sumama ka na lang ililibre kita." Wika nito at naglabas ng kanyang pitaka.
Kakilig naman 'to. Parang may relasyon kami. Hihi.
"Oo na." I shrugged, para mas mukhang wala akong crush sa kanya at platonic lang talaga.
Dumiretso na kami pababa. Nakalagay ang dalawa kong kamay sa bulsa ng jacket ko habang ngumunguya ng bubble gum. Nakatingin lang ako sa dinadaanan ko at hindi ko pinapahalatang natataranta ako, dahil isang maling galaw lang, mapapansin na agad yun ni Paolo. Sobrang dulas pa naman ng dila ko. Nadaanan namin si Zackery.
"Uy Zackery, kumain ka na?" Tanong ko sa kanya, para kahit papano,mabawas-bawasan ang kaba ko.
"Kakain pa lang, bakit?" Sagot ni Zackery nang nakangiti, ang ganda pa rin talaga niya.
"Sabay ka na samin." Yaya ni Paolo.
Biglang sumikip ang dibdib ko. Parang nawalan ng laman ang tiyan ko at tila parang inikot ng sampung beses ang mga bituka ko. Bakit ganito?
Selos ba 'to?
"Sige, tara." Sagot ni Zackery, ngumiti siya kay Paolo at tila namula ito.
Bakit ganito? Ayoko ng ganitong pakiramdam. Huminga ako ng malalim at pinigilan ang agos ng emotions. I'm not this kind of person, Alyssa why are you not being yourself? Just stop liking that person and you'll break free from these heartbreaks. But the way he walks, the way he talks, the way he sweep the fringe of his hair and the way he looks at me sometimes is just too adorable. Kung pwede lang siyang kurut-kurutin, talagang gagawin ko. Tumingin sakin si Zackery at di ko alam kung bakit pero bigla akong napairap sa kanya. Fvck. Bakit ganito?
"May problema ba Alyssa?" Bigla akong tinanong ni Zackery.
"Anong—problema? Wala, wala." Sagot ko sa kanya.
"Bakit umikot ang mata mo?" Dagdag pa nito.
"Ah. Napuwing lang ako." Ngumiti ako sa kanya at bigla namang tumingin sakin si Paolo.
"Napuwing ka? Dito ka, lapit mo mata mo, hihipan ko." Wika niya at hinawakan ang dalawa kong pisngi habang nilalapit ang mga labi niya sa mata ko.
"O-okay na. Okay na ako. Thank you na lang. Kabaklaan mo na naman e." Pang-aasar ko sa kanya.
"Edi wag. Tutulungan ka na nga e." Pagtatampo ni Paolo at binilisan ang paglalakad.
"Uy, teka!" Hinabol ko siya at inakma ko sanang hawakan ang braso niya ngunit ang nahawakan ko ay ang kamay niya. Diniinan niya ang hawak sa kamay ko.
"Ano yan? Bat mo diniinan?" Tinanong ko siya ng nakayuko.
Tinignan niya si Zackery at lumayo si Zackery.
![](https://img.wattpad.com/cover/19450688-288-k485906.jpg)
BINABASA MO ANG
Trapped
Terror"They told us that she's dead." "But they were lying." "She's not." "She's back for revenge." "And we are all trapped." "In an eternal curse." "Remember, never trust."