Zackery
"Zack!" Sigaw ng isang lalaki.
"Sinabi nang Zackery ang pangalan ko at hindi Zack! Mas pinagmumukha mo akong lalaki sa mga ginagawa mo e. Pinipilit ko na nga na maging girly tas ganyan naman tawag mo sakin? Kooperasyon naman Theo." Sinuntok ko siya sa braso at bigla siyang tumawa.
"Nakakatawa talaga itsura mo kapag galit ka." Nginitian niya ako at saka naglakad paalis.
"Wala kang kwenta!" Sigaw ko sa kanya at naglakad na rin paalis.
Kababata ko si Theo. 3 years old pa lang, magkakilala na kami. Lumipat siya sa neighborhood namin at nagkita kami sa park. Doon niya ako unang kinausap at sabay kaming naglaro sa swing.
Kuya ang turing ko kay Theo kaya kapag may umaaway sakin, lagi siyang to the rescue. Kaso ngayon laging kami na yung nagaaway, ang hilig kasing mangasar.
Hanggang ngayong high school, magkaklase pa rin kami.
---
Naglalakad ako sa hallway nang bigla kong makita ang tatlong kaibigan ni Isabelle.
Si Kim, Margaux at Chelsea.
Sila yung tipo ng grupo na tinatawag na 'A bunch of weirdos'.
Naguusap sila habang hawak-hawak ang mga phones nila.
Napatingin silang tatlo sakin.
"Uy." Mahina kong bulong at mukhang natakot silang tatlo. Nanlaki ang mga mata nila. Inaabot sakin ni Margaux ang phone niya nguniti pinigilan siya ni Chelsea at hinila siya ni Kim palayo sakin. Lumunok si Chelsea at nagsalita.
"L-let's go." Sabi niya sa mga kasama niya at naglakad sila paalis.
Bago sila bumaba papunta sa 2nd floor, tumingin sakin si Margaux pero agad niya ding ibinaling ang tingin niya sa iba at nagpatuloy sa paglalakad.
"Anong problema nun?" Narinig ko ang wika ni Nicole.
"Ewan e." Sagot ko sa kanya.
"Napakawirdo talaga ng mga taong 'yon." She muttered. Hinawi niya ang buhok niya papunta sa likod niya at naglakad papunta sa kabilang direksyon.
Napailing na lang ako at pumasok ulit sa classroom.
Umupo ako, kinuha ko ang earphones ko mula sa bulsa ng bag ko at isinaksak sa cell phone ko.
Pagpasok ng ear plugs sa tenga ko. Bigla kong narinig ang tunog ng Fur Elise. Nagtaka ako dahil walang ganitong tunog na naka-save sa cellphone ko
Nanghindik ako. Natakot. Tumayo ang mga balahibo. Dahil ang nakita ko sa cell phone ko ay ang pangalang Isabelle de Vera.
Nanlambot ang tuhod ko at nanginig ang mga kamay ko. Unti-unti kong pinindot ang cellphone ko at ini-slide papunta sa kanan para sagutin ang tawag.
"S-sino 'to?" Tanong ko.
"Si Isabelle." Narinig ko ang distorted voice mula sa kabilang linya.
"A-anong kailangan mo samin? Anong kailangan mo sakin?" Wika ko habang patuloy sa panlalambot ang buo kong katawan dahil sa sobrang takot.
Bigla siyang tumawa ng sobrang lakas at halos mabaliw na ako sa sobrang pagpapanic at takot.
Toot toot. Toot toot.
Bigla niyang ibinaba ang tawag.
Huminga ako ng malalim at tumingin sa paligid ko.
Walang tao.

BINABASA MO ANG
Trapped
Horor"They told us that she's dead." "But they were lying." "She's not." "She's back for revenge." "And we are all trapped." "In an eternal curse." "Remember, never trust."