Prologue
Naranasan niyo na bang ma-inlove?
Ma-inlove sa kaaway mo?
Well, sabihin na nating mahirap ang ganitong sitwasyon dahil palihim mong minamahal ang kaaway mo.
Pero paano kung malaman mo na mahal ka din pala ng taong mahal mo, pero medyo awkward nga dahil sanay kayo na nagbabangayan lagi at alam niyong hindi kayo magkakasundo.
Sa totoo lang nahirapan talaga ako, pero nung sinubukan naming hindi magbangayan nagkakasundo rin naman kami pero hindi talaga nagwork ang ganon kaya back to bangayan again.
“Hoy armalite tara na daw sabi nila Ken mamaya ka na dumaldal"
“Wengya ka electric fan, mauna na kayo at susunod ako pakisabi. Kita mo naman kasi na may ginagawa pa ako tapos yayayain mo ako. Grabe ka talaga. Nakakainis ka, inaabala mo yung tao eh.”
Paglingon ko wala na akong kausap. Psh!
Ayan nanaman siya nang aasar at mamaya magsismula nanaman ang kahanginan niya sa katawan.
Pero alam niyo ba nalaman ko na may sweet side pala siya, kaya lalo akong na-inlove sa kaniya at patuloy na nagbago ang turingan namin sa isa’t isa.
At noon ako na niwala na the more you hate the more you love.
Kaya niloloko ako ng barkada ko na BOYFRENEMY ko daw siya.