Chapter 1

36 1 0
                                    

Hehehe! Eto nanaman ako, nagshshopping shopping at namamasyal dito sa mall. Wala kasi akong magawa sa bahay eh.

Pupunta muna ako sa TimeZone! Favorite place ko dito sa mall. Karaniwan kong ginagawa o nilalaro dun ay ang car racing at gun shooting . Hehe. Magaling ako magdrive ng mga sasakyan at magaling ako bumaril.

May sasabihin nga pala akong sikreto sa inyo, pero wag niyong ipagsasabi ha? Sikreto nga eh. Pero friends naman tayo kaya sasabihin ko sa inyo. Ito na alam niyo ba na, ay hindi niyo pa nga pala alam kasi sasabihin ko pa lang. Ito na talaga, lagi ako—

“Ahh—Ano ba di ka tumitingin sa dinadaanan mo, tingnan mo ang nagyari sakin natapunan ako ng shake na hawak mo. Palitan mo nga itong damit ko bilis. Bumili ka ng bago, Crissa ang tatak nito ha” Sabi ko ng pataray dun sa nakabangga sa akin.

  

“Ako pa ang may kasalanan ngayon, mahiya ka naman sa kagwapuhan ko miss. Pabibilhin mo lang ako ng walang kwenta mong damit?” Sabi niya ng nakangisi.

Aba ang kapal ng mukha ng lalaking ‘to. Ang daming hangin sa katawan. Kainis agad! Ayaw ko pa naman ng ganitong ugali ng lalaki.

“Hoy mister, alam mo bang ikaw naman talaga ang may kasalanan kung bakit ako natapunan ng shake ha. Dun ka kasi nakatingin sa legs nung babae na nasa unahan mo kanina nung naglalakad ka!” Sigaw ko sa kaniya. Nakakainis talaga! Manyakis. Psh!

Bakit kasi may mga babaeng ganun magsuot. Ano ba yun nakulangan ng tela o gusto lang nila ilabas ang gusto nilang ipagyabang. Sila din naman yung nababastos eh. Tss! 

“Mister? Kelan pa kita naging asawa miss? Ang gwapo ko talaga, kakikita ko lang sa'yo tapos hindi ko pa nililigwan at hindi ko pa nakikilala eh tinatawag na ako ng mister. Ang mga babae talaga. Psh!"

“Bakit ba ang yabang mo? Eh kung kanina ka pa bumili nung damit ko edi sana nakapag palit na ako at nakapunta na sa TimeZone at naglalaro na sana ako ngayon ng car racing at gun shooting!” Bulyaw ko sa kaniya. Nakakainit ng ulo.

  

“ Sige na nga MISIS! Ito na oh, sa’yo na lang yang damit na yan. Ipapasalubong ko sana sa kapatid ko. See you soon MISIS. Tandaan mo ang gwapo kong mukha, baka sakaling magkita pa tayo”

Punong puno na ako! Nakakainis talaga! Kumindat pa ang loko. Tss!

Pumunta na lang ako sa CR at nagpalit ng damit. Infairness ang ganda nung damit na binigay niya sakin. Yabang lang niya. Punta na nga ako ng TimeZone!

Pagpasok ko sa TimeZone ang daming tao, hehe. Sadya namang ganiyan eh. Tuwing pumupunta ako dito ang dami laging tao.

My BoyfrenemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon