Chapter 3

22 1 0
                                    

--1 week after—

Ayun fastforward na. Ikkwento ko na lang kung anong nangyari last week. Pagkatapos namin maglaro ni kuya nagkita-kita lang rin kami nila Chan at ni twin sa walang kasawaang Yellow Cab.

At ayun wala na namang nangyaring masama noong araw nay un, maliban na lang dun sa lalaking electric fan na yun.

Oo nga pala, Monday ngayon at Next week ay pasukan na kaya papunta kami ngayon sa school para mag enroll. Sabay sabay kami nila Chan at ihahatid naman kami ni kuya. Si kuya naman papunta sa Company. Dun siya nagta-trabaho eh.

“Twin!! Pwede bang sabihin natin kay kuya na magmotor na lang tayo? Hehe. Meron naman tayong tig-iisang motor eh.” Sabi sakin ni twin nang pababa siya ng hagdan galling sa kwarto niya.

Aba tama ba yung narinig ko? tig-iisang motor daw eh wala naman siyang motor, at motor ko ang gamit niya. Hindi talaga siya binigyan kasi mejo careless siya pagnagddrive.

“Narinig ko yun Marsh, at sabi ni mama bawal daw kaya kelangan nating sundin si mama okay?” Sabi ni kuya na galing sa kusina. Nagluto kasi siya para sa kakainin nila ni mama.

“Eh di tatawagan ko po si mama” Sabi ni twin na nagdial na sa cellphone niya at pumunta sa garden.

Bumalik naman agad siya at may ngiting tagumpay sa kaniyang mga labi. Aba mukhang pinayagan ah.

“Kuya!!! Pinayagan kami ni mama! Bleeh! Tara na twin, peram ulit ako ng susi ng motor mo. Hehehe. Chaaan~ tama na ang pagpapa-pogi, Pogi ka nanaman talaga eh. Aalis na tayo at motor mo ang sasakyan mo!” Sabi ni Marsh na energetic.

Iba talaga ang energy ng kakambal ko na ito. Parang hindi nauubusan nag energy eh. Ang magkaiba lang talaga samin, ako mejo masungit at suplada. Meron pa akong ibang side na hindi ko kayang ipaliwanag

Umakyat na ako sa kwarto ko at kinuha yung dalawang susi ng motor ko. Haay! Magagasgasan nanaman si Lelei alam ko. Kawawa na yun. Ipapaayos ko ulit yun bukas. Wala naman akong gagawin bukas eh.

My BoyfrenemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon