Asaran, kulitan, bangayan at mga kinikilig ang naabutan ko na ginagawa nila. Gawain naman nila lagi yan. At dahil masaya ako
“Hello guys! Can I make hingi your cakes? Pretty please? I’m so nagugutom na kasi eh” Sabi ko na energetic.
“Anyare sa’yo Marc? Bakit parang nasaniban ka nanaman yata ng kaluluwa ni Marsh?”
“Oo nga Marc. May nakain ka ba? At ipapakain ko din dito kay Mina para mabawasbawasan naman kasungitan” Agad na sabi ni Rose sakin
“Rose kasasabi ko lang kaya ng I’m hungry kaya malamang wala akong nakain. At hindi ako nasaniban ng kaluluwa ni Marsh! Ganito kaya ugali ko” Sabi ko sabay kuha ng mga cake at nilantakan.
“Weh? Anong ganiyan? Eh ang sungit mo kaya, tapos suplada pa, tapos hindi maintindihan kung anong gustong gawin tapos ano. Hehe” Sabi Nella at kumamot sa ulo. Sinamaan ko kasi ng tingin.
Puro negative yung sinasabi sakin. Ganun ba talaga ako? Hindi kaya. Ang bait bait ko nga tapos hindi kaya ako suplada.
“Tingnan mo 'to, tingnan mo ‘to! Hindi daw masungit at suplada eh kung makatingin naman parang papatayin na yung tinitingnan” Sabi agad ni Marie.
“Ehi kasi puro negative sinasabi niyo pwede namang sabihin na “Nandito ka palayung pinakamabait na si Marc?” o kaya naman “Ang energetic talaga ni Marc at ang bait bait pa”
Bago ko pa maituloy ang sinasabi ko ay nagtawanan naman sila.
“Yung totoo? Si Marc ka ba talaga o si Marsh? Bakit itong isang ito (yung kakambal) eh napakasungit at suplada ngayon? Parang si Marc ito eh” Sabi ni Cole
“Si Marc nga kasi ako at hindi ako si Marsh, pinapasama niyo naman mood ko eh” Sabi ko na may pagtatampo
“Aysus marunong ka din palang gumanyan Marc akala namin si Marsh lang ang marunong magtampo. Haha”
Tawanan sila ng tawanan at pinagtripan lang ako. Aba eh si Twin kain lang ng kain tapos nakikita ko na ngumingiti tapos bigla na lang magiging energetic at sasabihin na
“Ang sarap nung cake! Hallelujah! ” Hindi lang pala niya basta sinabi kundi isinigaw pa at may kasama pang pagtaas ng kamay, kaya nagtinginan naman sa amin yung mga tao sa cafeteria.
Hinigit ko naman agad siya para makaupo at binulungan “Twin naman nakakahiya ka. Kain na lang tayo ng cake at susubuan kita.” At ayun nagsubuan na nga kami.