Chapter 6

23 1 0
                                    

Chapter 6

Nakakapagod na maghapon ito! Si kuya kasi, nagyaya ng maghapon daw na sparing. Pero ako naman itong taong hindi nagpapatalo kaya pumayag ako.

“Ano Marc pagod ka na ba?” Akala niyo concern? Psh! Nanloloko yan! Nagsmirk eh. Akala niya susuko agad ako? No Way!

“Sino kaya sa atin kuya ang mabilis mapagod? Tingnan na lang natin” Sabi ko sa kaniya at sumugod lang ng sumugod. Siya naman todo ilag pero minsan natatamaan ko din.

Hindi ko masyadong pinapakalaksan kasi mauubos ang energy ko eh sparing lang ito. Tumigil ako para magpahinga sa pagsuntok kaya si kuya naman ang sumugod. Ilag din lang ako ng ilag. Puro daplis lang ang nangyayari sa mga patama ni kuya.

At tinatanong niyo kung anong araw na ngayon? Wednesday na pero dapat may lakad kaming magkakapatid diba? Kasi nga may dance competition pero hindi natuloy ngayong araw kaya i-iinform na lang daw kami nung facilitator.

“Ano kuya pagod ka na?” *smirk*

“Hindi ah ikaw kasi iwas ka lang ng iwas eh wala namang mangyayari kung iiwas ka lang ng iiwas sa mga sugod ko, eh kung try mo kaya lumaban no?” Napansin ko kasi na tumigil siya eh.

“Your wish is my command!” Sabi ko at sumuntok sa may sikmura niya, hindi agad nakailag eh kaya natamaan sa sikmura. Tapos pagsipa ko, Oops!

“Araaaaay!!”

“Hala kuya saglit! Sorry kuya! Waaah! Kukuha lang ako ng yelo! Di ko talaga sinasadya! Ang yabang mo kasi eh, kasi naman kuya—“

“Da-dal-dal ka na la-ang ba ja-an o ku-ku-ha ng yelo!?” Sigaw niya sakin na putol putol!

“Oo na ikaw kasi ang yabang yabang mo eh.”

Tumakbo agad ako sa kusina at kumuha ng yelo. Natamaan ko kasi sa ANO niya eh. Hehe  *kamot sa ulo*

“LENGYA!! MARC YUNG YELOOO! PAGHINDI AKO NAGKAANAK LAGOT KA SAKEEN~”

Dali dali akong bumalik sa training room tapos binigay kay kuya yung yelo.

Pfft~ Nakakatawa itsura niya. Haha pulang pula eh. Bigla siyang tumalikod tapos nakita ko na mejo basa na yung labas ng short niya! Hahahaha!

“Pfft—Hahahaha!” Di ko na napigilan yung pagtawa ko kasi parang nag iihi si kuya. Hahaha!

“Tengne Marc! Nako subukan mong gawin ulit sakin yun, naku talaga!”

Bumalik naman agad sa normal yung pakiramdam niya kaya naghamon ulit magsparing.

My BoyfrenemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon