Freshmen

2K 125 3
                                    

"Pareeee! Congratulations sa atin!" Jerald shouted.

"Oo nga pare konti na lang graduate na sa wakas!" Tuns replied.

"Cheers! Para sa Thesis 1!" The three clinked their beer bottles and chugged them down.

At last, RJ thought. He'd be graduating soon. Hopefully within the year. It was one hell of a term and they have been busting their asses just to get through their thesis, and finally it paid off.

"Ano, planuhin na natin yung thesis 2?" Tuns asked.

"Naman to o! Enjoyin mo naman muna pagkakapasa natin!" Je complained.

"Oo nga! Di pa nga ako nakaka bawi ng tulog gusto mo na ulit mag puyat?" RJ said.

"Uluuul. Sabihin mo kaya ka laging puyat dahil sa shota mo." Tuns teased.

"Shota? Sinong shota?" RJ asked.

"Awow amnesia? Si Trish!" Tuns shouted.

"Psh. Di ko shota yun." RJ dismissed as he drinks his beer.

"Anong hindi shota eh kung makapulupot sayo daig pa Anaconda?" Jerald said.

"Eh di ko naman kasalanang mahilig syang dumikit sakin noh." RJ scoffed

"Naaaaks. Di mo shota pero naka kulong kayo sa condo kagabi?" Tuns said.

"Di naman tumatanggi ako sa grasya. Pero wala. Di ko shota si Trish. Friends lang kami nun." RJ replied.

"Friends?! Showbiz?! Magdamag sa kwarto ng dalawa lang kayo?" Je said.

"Ano ginagawa nyo dun nagchechess?" Tuns asked.

"Tantado. Hahaha. Uminom na nga lang tayo!" RJ said as he ordered another round.

"Ba't di ka tumulad dito kay Je? Sinagot na ni Val o!"

"Aba syempre, frosh pa lang nililigawan ko na yun. Dinaan ko sa tiyaga, ayan! Nilaga!" Jerald says proudly.

"Pare. Ang daming maganda sa La Salle. Papatali ka agad sa isa?" RJ asks

"Wala nang mas gaganda pa sa Bebe ko! Hirap sayo Jay di ka naniniwala sa true love."

"True love. Lilipas din yan."

"Hahaha pare. When you know, you know. Makahanap ka sana ng katapat mo tignan natin di umikot yang mundo mo."

"I doubt it. Istorbo lang yan. Besides, wala pa akong nakikilalang para sa akin e."

"Ano ba hanap mo sa babae pare baka mareto kita sa ibang friends ni Val."

"Wala. Basta."

Yung matalino.

Matapang.

Independent.

Malalim kausap.

Yung may sense.

At hindi Anaconda. RJ thought.

"Baka naman lalake hanap mo."

"Gago. Di kita type. Hampas ko sayo tong bote eh." RJ laughs.

Head Over FeetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon