Irresistible

1.2K 138 3
                                    

"Nakakaloka ha." Yel breaks the silence as Dei prepares coffee for two.

They were silent the whole travel back to Dei's condo, probably still shocked with the turn of events.

"Paano nangyaring nasa kalye kayong dalawa at andun si RJ na ano, sinapak si Bob? Ang tapang ng batang yun fairness."

"Hay Yel. Late ka kasi."

"Aywow kasalanan ko pa ngayon."

"Tsk. I should have not met with him alone."

"Teka, umpisahan mo nga sa umpisa. Paano nga na ganung mala teleserye eksena kayo pag dating ko??"

Dei tells her what happened, up until that scene she witnessed outside the coffee shop.

"Ay grabe ang lala. Ganun talaga? He used the "let's make a family" line on you? Akala ba nya gagana sayo yun?"

"Ewan ko ba dun."

"Pero yung totoo, Dei. Tapatin mo ako. May feelings ka pa ba sa kanya?"

Dei pauses, as she continues to stir her coffee.

"Ay nako alam ko na yang mga ganyang silence mo. So meron pa ganun?"

"Hindi naman na enough para balikan sya. Pero nung nakita ko sya kanina, nangangako na naming hindi na mauulit.... Parang may parte ng puso kong gusto pa ring maniwala."

"Haaaaaay buhay." Yel says.

"Pero naalala ko yung lahat ng ginawa nya sakin, piniglan kong umiyak sa harap nya. Naalala ko lahat.... Anyway, wag mo sabihin kay Mama ha. Kakalbuhin ako nun."

"True. Pero kamo, he twisted your arm?"

"Yes. Ewan ko kung sadya o ano, pero hinila nya ako, lalo ko naalala yung mga ginawa nya sakin. Sasampalin ko na dapat eh. Biglang ayun, dumating si RJ."

"Man of the hour. Grabe. Ano yan parang kabute pasulput sulpot lang?"

"Isa pa yun, di ko alam kung saan nanggaling biglang nandun."

"Stalker."

"Hahaha. Hay naku. Hindi pa sya pwede sa mga ganitong sitwasyon, lumalabas pagka immature eh."

"What do you expect, kamo bata diba. Pero parang ang sweet nga napaka heroic ng dating nya sakto sa timing?"

"More like reckless. Paano kung napuruhan naman ni Bob yun eh di nasaktan din sya?"

"Panong masasaktan eh laking mama nung bago mong jowa noh. Kayang kaya nya yun."

"For the nth time, di ko jowa si RJ okay."

"Well, jowain mo na. Kung ako yan, matagal ko nang sinagot. Bahala na si Mama kay kumag."

Yel's phone rings as her boyfriend calls her up.

"Dei, teka, nasa baba na si Mike. O, okay ka na ha? I'll see you on Saturday. Wag ka na makipag kita muna dyan sa tukmol mong ex. Meeting tayo nila Mama, para alam kung anong next na gagawin. Okay?"

"Sige. Thanks sis ha. Hi na lang kay Mike. Di na ako bababa."

"Okay bye. Wag mo na masyado isipin yan. Tawagan kita pag uwi ko."

Dei closes the door and double locks it.

In a few minutes, her doorbell rings.

Hay nako si Yel naiwanan na naman ang powerbank nya.

She takes the powerbank and opens her door.

"O, eto na!"

She was surprised that it was RJ in the hallway.

Head Over FeetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon