"If you are meant from the start, then it will be you till the end."
The dinner went well. Kahit ang mommy at daddy ni Lance ay natutuwa kay Ezrael. Hindi talaga namin napipigilan ang mga sarili namin sa pagtawa kapag bumabangka na si Ezrael.
Days have passed and Ezrael just continued courting me. I haven't been doing well lately.
I am starting to get confused with how I feel. I can see how much Ezrael values me and I do appreciate it so much. For me who has been experiencing all these for the first time, it is kind of overwelhming. All of these being cared upon and shown much affection with.
Nakakakilig at masaya. But somehow, still I don't feel enough. Like something is still missing.
In another way, I can still feel the ache seeing Lance and Shania together. Sa totoo lang, iniiwasan ko muna ang makita sila para lang matimbang ko kung ano na nga ba ang nararamdaman ko kay Lance.
Minsan, feeling ko, mahal ko siya kasi ang sakit sakit na may iba siyang kasama. O masakit na normal kasi feeling ko balewala naman na ako sa kanya. Ano ba ang nararamdaman ko? Nagseselos ba ako dahil wala na siyang time sa akin? O nagseselos ako kasi gusto akin lang naman talaga ang time niya? Ako lang dapat, walang iba? Gusto ko siyang makasama na parang hindi kasi hindi ko na alam kung paano kikilos kapag nandiyan siya. Ang gulo ko diba. How I wish I can name all these emotions coiling inside me.
Most of the time, I just stay home to avoid seeing Lance. But I guess, luck is not with me today.
Lance is on his way through our main door. I can see him from the gaps of the blinds in our living room. Gusto kong tumakbo kaso para saan pa, alam ko naman na nakita na niya ako.
Tuloy tuloy lang niyang binuksan ang pinto namin ng hindi nag-aabalang kumatok at deretsong tinungo ang pwesto ko.
"Hey." Yun na ang bungad niya sabay upo sa tabi ko at tinitingnan ang kasalukuyang binabasa ko na libro.
"Anong atin, napadpad ka dito? Wala kang date ngayon?" Pasimpleng tanong ko sa kanya pero di naman ako makatingin. Nananatiling nakatutok ang mata ko sa binabasa ko.
"Well. Napansin ko kasing wala kang bisita ngayon, kaya nagpunta ako dito." Doon na ako napatingin sa kanya pagkasabi nun. Saka ko napansin na parang medyo humumpak yung pisngi niya saka medyo nangingitim ang paligid ng mata niya. Have I not seen him really that long that his changes were unnoticeable to me?
"Lance, may problema ka ba? Bakit parang tinamaan ka ng sakit sa itsura mo?" Mataman kong sinalubong ang tingin niya.
"Masakit naman talaga." Maikling sabi niya habang nakatingin din sa akin. Kunot noong tinitigan ko siya ng may pag-aalala. May kakaiba akong nababasa sa mata niya pero di ko matukoy kung ano.
"Alin ang masakit? Bakit naman lumabas ka pa? Dapat nag-stay ka na lang sa bahay at nagpahinga!" Di ko mapigilang sermon sa kanya.
"I don't wanna miss this chance that you're free." Yun lang ang sinabi niya.
Ano daw? Nandito lang naman ako palagi sa bahay. Ano kayang issue nito sa buhay. Inilapag ko ang libro at pinalitan ng throw pillow ang hawak ko. Umayos ako ng upo medyo patagilid para mas makaharap ko siya.
"Nandito lang naman ako lagi. If you need to talk to me, pwede kang mag-text o tumawag." Sinabi ko lang pero sa loob loob ko, magdadahilan din ako kung sakaling sinabihan niya ko kasi nga iniiwasan ko talaga siya.
"Tss. Bakit? Will you free your time for me? Eh palagi kang may dalaw dito." Medyo naningkit ang mga mata niyang nakatingin sakin.
Hindi ko mapigilang mapanguso. Kahit paano naman guilty ako na wala talagang time na maibibigay ako sa kanya. But I need to deny and reason out. Hindi ko naman masasabing ayaw ko siyang makasama diba lalo na kung kasama niya girlfriend niya.
"Siyempre kung kailangan mo talaga ako, I'll make time." Sorry po Lord. Nagsisinungaling na ako sa harap ng bestfriend ko at sa Inyo na rin. Patawad po.
"Since, free ka naman ngayon, labas tayo! Nood tayo ng movie, tapos kain tayo." Medyo nagkaroon ng buhay ang mukha niya sa mga sinabi niya. Gusto ko sanang tumanggi pero may bahagi ng puso ko na gusto din siyang makasama. Alam ko naman sa sarili ko na namimiss ko siya. Pero yung gusto ko, kaming dalawa lang. Baka biglang susulpot na lang si Shan eh di nasira lang ang araw ko. Pagsisisihan ko pa na lumabas ako ng bahay at sumama sa kanya.
"Ayaw ko kasing lumabas, Lance. Hindi ko din feel ang mga movies na palabas ngayon. Pwede bang dito na lang tayo sa bahay manuod tapos papaluto na lang ako ng makakain natin." I know, I sounded selfish but its the only way to make sure na kami lang ang magkasama.
Ngumiti siya at tumango sa akin.
"Sige, dito na lang. Ang mahalaga kasama kita." Nasabi niya yun ng seryosong nakatingin sa akin.
Hinila ko siya papuntang kusina saka nagbilin sa kasambahay namin na paghanda kami ng merienda bago tumuloy sa entertainment room.
"Ano bang trip mo panoorin ngayon? Tagalog? English?" I switched on the TV and put on Netflix. We browse together the films available until we both say the same movie.
"Made of Honor." As he said.
"What about this?" Me, stopped browsing at the said movie.
Parehong kaming napangiti at komportableng sumandal sa sofa. We figured we have both watched the film before and had liked it.
But watching it again helped me analyze what I am feeling for him. I really have fallen for my bestfriend, and it hurts a lot knowing that one day, he will marry someone else. And I will be there, maybe a maid of honor or just a bridesmaid, watching him exchanging vows with Shania. Unlike in the film, the guy have finally realize that he loves his bestfriend all along. With us, its only me. Lance already belongs to Shania.
Hindi ko namalayan na may mga luhang namalisbis sa pisngi ko kung hindi ko lang naramdaman yung mga haplos ng kamay niya.
He turned to face me and looked at me intently. "What's wrong, Lynce?"
Umiling-iling ako. Ang bigat sa dibdib pero alam ko na wala akong dapat sabihin sa kanya. Na kahit anong gawin ko, hindi ko pwedeng ipaliwanag sa kanya ang totoong nararamdaman ko.
"Sobrang naiiyak lang talaga ako sa love story nila. Imagine, kung hindi pa ikakasal si Hannah, hindi marerealize ni Tom na hindi siya pwede mapunta sa iba, dahil sobrang mahal niya yun. Paano pala kung hindi siya mahal nung bestfriend niya, siya lang yung nagmamahal. Paano kapag ganun?" Dito sa paliwanag na 'to, nailabas ko pa ang mga hikbi na kailangan kong mailabas.
Naupo siya ng maayos ulit sa tabi ko. Nakatingin sa TV na credits na lang ang pinapakita.
"Sa palagay mo, kung sinabi ni Hannah kay Tom, na matagal na niyang mahal si Tom, would they end up together?" He asked.
I thought about it. I tried not to look his way. "They would still end up together, if they are for each other. But the in betweens will of course be different. Baka magkasakitan lang sila kung hindi naman mahal ni Tom si Hannah that time. At saka siyempre may bearing din kung may girlfriend si Tom. Makakasira siya ng relasyon. But Tom was a womanizer, so its a different story too." I sighed then only glanced his side. Matiim pala siyang nakatingin sa akin.
"Shania and I broke up."
-----------------------------
Vote and comment
BINABASA MO ANG
From the Start
Ficción GeneralYou will always be the one person in my heart... When we fall in love the first time, we actually want it to last forever. But if the person you love, is destined with someone else, is there anything you can do aside from letting go and try to love...