1

8 0 0
                                    


Nakapamulsa siyang naglalakad sa hallway habang may nakapasak na earphone sa kanyang tenga. Natatakluban ng mahaba niyang buhok ang kanyang noo at ang mata niyang nasa ilalim ng kanyang salamin. Binasa niya ang kanyang labi saka tumungo. Bawat paggalaw niya ay tila ba may kumikinang sa paligid. Para siyang isang imortal na niluwa ng kabilang mundo.

Tumigil siya sa tapat ng pinto kasunod ng kanyang mga kaibigan. Umaalingawngaw ang kanilang tawanan samantalang tahimik lang siyang pinipihit ang doorknob ng pinto.

"Hoy bes! Kanina ka pa dyan, lalabas ka ba o hindi? Nakaharang ka kaya."

Napatalon ako sa gulat sa malakas na boses na nanggagaling sa aking likuran. Pati ang mga lalaking nasa kabilang pinto ay naagaw ang pansin ng tao sa likod ko. Naestatwa ako ng makitang pati siya ay nakatingin sa amin.

"Ano Jash?! We're not playing mannequin challenge here. Move!" Ani ng boses sa likod. Kusa ng gumalaw ang katawan ko ng makita kong hanggang ngayon nakatingin pa rin sa amin ang grupo ng mga lalaki sa kabilang pinto. Umatras ako at isinara ang pinto, narinig ko pa ang mga tawa nila bago sumara ng tuluyan ang pinto.

"Now what? Jasha Noreen Suarez okay ka lang ba? Ang weird mo, sobra." Bumungad sa akin ang naiiritang mukha ng kaibigan ko. Hindi ko siya pinansin at nilampasan lang siya, umupo ako sa upuan ko. Kahit na ang ingay ng mga kaklase ko, nangingibabaw pa rin ang kabog ng dibdib ko. We had an eye contact again kung kaya't ganito kalakas ang tibok ng puso ko.

"Ano bes? Are you coming ba? Almost 15 minutes ka ng nakatayo este nakaharang sa pinto, I thought you're going out. Ano bang ginawa mo?" Bakas pa rin ang iritasyon sa boses niya. 15 minutes na akong nakatayo doon? Seryoso? Ganoon kahaba?

"Seryoso? Kinse minuto?" Nagtataka kong tanong. Tumango siya, "I'll buy snacks na. Iwan na kita, you don't look fine e. I'll be back." Sarkastiko siyang ngumiti at nagpaalam. Napatingin ako sa pinto ng buksan niya ito, naroroon pa rin ang grupo ng lalaki sa labas ng pintong katapat namin.

"Oh hello boys!"

Narinig ko pang binati sila ni Andrea. Tinignan ko isa isa ang mga mukha ng mga lalaking iyon, natigilan ako ng makasalubong ko ang mata niya. Kanina pa! Kanina ko pa siya nakakatitigan. Agad akong umiwas ng tingin at tumalikod sa pinto. Narinig ko na rin ang pagsara ng pinto, saka lang ako nakahinga ng maluwag.

"Nasa labas pala sina Cloud."

Cloud? Tinignan ko kung sino ang nagsalita. Si Charisse pala, kausap si Shanelle na katabi ko. Close sila ni Cloud?
----------------------------

All I ThoughtWhere stories live. Discover now