Hindi pa rin ako nakakaget over sa nangyari kanina. Though no'ng huli lang niya ako nakuhang tignan pero atleast tinignan niya pa rin ako kahit na sa huling pagkakataon.
Nasa timeline niya ulit ang laptop ko. Kanina ko pa pinakakatitigan ang button na -Add As Friend-, kanina pa rin pabalik balik doon ang arrow ng mouse ko. Matagal na akong natetempt na iclick ang button na ito pero pinipigilan ako ng pride ko. I shouldn't do the first move. Kagaya ng pag-iintay ko ng pagpapakilala niya sa akin, hinihintay ko rin ang pag-add niya sa akin sa facebook.
Nakapublic 'yong account niya kung kaya't nakikita ko ang mga post niya. May lumabas na panibagong post.
Cloud Richford Cuevas
I love to look at her, so much.May one comment na agad.
Charisse Esguerra
I know her. Pero hindi ko SHASHAbihin. 😂I don't want to assume but why do I have this feeling that it was me. Nagflashback sa akin ang makailang beses kong mahuli ang kanyang mga tingin sa akin. Kumalabog ang puso ko sa alalang 'yon. No, it wasn't me. But maybe it's really me? Charisse's comment also gives me that hope. The "SHASHA" thing. I think she emphasize that word to give some clue. I'm close with Charisse and she knows that my family calls me Shasha since her brother is friend with my brother. So tell me? Am I really assuming things? Or this is real?
Bago pa ako kapusin ng hininga at sumabog sa sobrang pula tumakbo ako sa veranda ng kwarto ko at nagtatalon. I even shout to release the kilig on my body.
"Ouch! What the..." My celebration stop when a small stone touched my forehead.
"Ano ba?! Gabing gabi na ang ingay ingay mo. Mahiya ka sa kapitbahay."
Dinungaw ko sa garden ang kapatid kong nakatingala sa akin. May kapit pa siyang maliliit na bato na sa tingin ko ay ibabato niya pa sa akin. Nakaupo sa bench ang kaibigan niyang kapatid ni Charisse na si Macoy na pangisi ngisi. Tinignan ko ang wrist watch ko, 6:30pm pa lang naman. Anong gabing gabi na? Dinampot ko 'yong batong binato sa akin ng kapatid ko. Binalik ko sa kanya iyon.
"Alasais y medya palang ho KUYA! kung makapagsalita ka parang alas onse na ng gabi. Maingay ka rin kaya! At huwag mo akong sigawan, ate mo ako!" Inirapan ko siya, "Umayos ka Siegfried ha!" pumasok na ako sa loob.
Minsan talaga mas matanda pa siyang umasta sa akin though I'm 3 years older than him.
Lumapit ako sa kama ko at tinignan ang laptop ko. Napangiti na naman ako ng makita ang timeline ni Cloud. Isinara ko na iyon at inilagay sa study table bago pa ako magtatalon sa kilig ulit. Alam ko namang walang nagsasabing ako iyong tinutukoy niya pero ang laki ng kapit ko sa clue na alam ko.
----------
YOU ARE READING
All I Thought
Short StoryAll she thought it was her. All she thought there's something. All she thought she moved on. But it's only a thought.