Umaalingawngaw ang background music sa buong hall. 30th anniversary ng university kaya mayroong formal party. I'm wearing a purple and pink cocktail dress, and also my friends are wearing a pretty cocktail dresses and ball gowns. While the boys are in tuxedos.
"Look at Rizzy and Rupert. Kulang na lang maghalikan sa sobrang intimate ng pagsasayaw nila." Komento ni Alyanna. Binalingan ko ang couple na nagsasayaw sa dance floor ng sweet dance, Alyanna is right. They're dancing too close at each other. No wonder, may pagkaliberated kasi si Rizzy.
Iginala ko ang paningin ko, nandito na si Rupert pero hindi ko pa nakikita si Cloud. Kanina pa nagstart ang party, at nasa kalagitnaan na kami ng program pero hindi ko pa nakikita si Cloud. Where is he? Hindi ba siya umattend.
"Mga bes, powder room lang ako." Tumango sila. Tumayo na ako at naglakad na papuntang powder room.
Inayos ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Halos lahat ng makasalubong ko kanina ay pinupuri ako. I look gorgeous daw in my dress. Ngumingiti lang ako at tinatago ang pamumula ng pisngi ko. I never get compliments like that. My mother always saying that I'm gorgeous pero laging kinokontra ni Siegfried. Tinignan ko ulit ang sarili ko sa salamin bago lumabas.
Habang naglalakad sa hallway ay may narinig akong mga boses mula sa isang room. Bukas ang ilaw at pinto nito, sumilip si Charisse mula doon. What is Charisse doing there? Binilisan ko ang hakbang ko, nagtago ako sa medyo madilim na part ng bintana. I saw red balloons and a big teddy bear. May hawak 'yong isang lalaking tarpaulin.
"Nagtext na ba si Cloud?" Tanong ni Charisse sa barkada ni Cloud.
Mukhang may isusurprise sila. At mukhang si Cloud ang magsusurprise. At sino ang isusurprise? Biglang kumabog ang dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil ba feeling ko ay ako o nadidismayang baka hindi ako.
"Nasa hall na raw siya. Tara na." Dinampot ni Rovin 'yong teddy bear. Palabas na sila kaya napalakad na rin ako ng mabilis papuntang hallway.
Wala sa hilig ni Cloud ang gumawa ng ganito base sa matagal ko ng pagkakagusto sa kanya. I almost know all about him, but not totally. Isang taon ko na siyang gusto at mahigit isang taon na rin akong parang stalker niya, well infact I'm just curios. And he never do this kind of thing. Surprising? Not really his thing. So I'm kind of surprise, sino ang isusurprise niya.
Lumiko ako sa isang room upang makatago mula sa kanila. Buti na lang madilim dito kaya hindi nila ako napansin ng dumaan sila. Nang maramdaman kong halos wala na sila sa hallway ay dahan dahan akong lumabas ng pinto. Lakad takbo ang ginawa ko para makapunta sa hall, hindi alintana ang mataas na stiletto kong suot.
"Jash bakit ang tagal mo?! Tara dali!" Kinikilig na sinalubong ako ni Andrea. Hinila niya ako papuntang dance floor. Okay, what's happening?
Nakita ko sina JM na tumutugtog sa stage, kasama ang kabanda niya. Nakakalat ang mga pulang lobo sa paligid kapit ng mga kaklase ko. Yakap naman ni Charisse 'yong malaking teddy bear na nakita ko kanina. Kausap ni Rovin si Cloud na may kapit na bouquet of flowers.
Napalunok ako, nang pagdating namin sa dance floor ay napatingin sila sa pwesto namin. Isa panglunok ng makita kong ngumiti si Cloud. Those perfect set of teeth, ngayon ko lang din nakitang ngumiti. Pinanggigilan ni Charisse 'yong teddy bear marahil sa kilig. Narinig ko ring nagtilian ang mga babae sa paligid. Hindi na magkamayaw ang dagundong ng puso ko.
Ako ba? Ako ba ang isusurprise? What's happening? Can somebody explain it to me.
Lalakad na sana ako palapit sa kanila ng mahinang naitulak ako ng tao sa likod ko.
"Oops sorry Jasha." Hinging paumanhin ni Rizzy saka tinulak si Shanelle na nabangga pala sa akin. "Dali na Shan. Pabebe pa e. Lumapit ka na kay Cloud." Kinikilig na tinulak ulit niya si Shanelle.
Unti unting napaawang ang bibig ko. Wait. Si Shanelle ba at hindi ako?
Napadapo na lang kamay ko sa bibig ko ng pati si Andrea ay nakitulak na rin kay Shanelle palapit kay Cloud. So siya nga? Siya ang isusurprise?
Nang tuluyang makalapit si Shanelle sa nakangiting si Cloud ay naramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko. Nakadapo sa bibig ni Shanelle ang kanyang kanang kamay. Inabot ni Cloud ang bouquet sa kanya. Kumapit sa braso ko si Andrea, "Grabe 'no? First time daw gawin ito ni Cloud. Sinasabi ko na e, si Shanelle nga 'yong tinutukoy niya sa post niya." Nakatingin pa rin siya kay na Cloud na ngayon ay nakaluhod na sa harap ni Shanelle. Nanlalabo na ang mga mata ko.
"Though pumasok din sa isip ko na baka it's you. Shasha ang other nickname mo, right? Pero naisip ko rin na hindi nga pala kayo close ni Cloud so impusible." Nagkibit balikat si Andrea. Pinangigilan niya ang braso ko sa kilig. Binuka na kasi 'yong tarpaulin na may mga salitang -Be My Girl- at sumabog 'yong confetti from nowhere, "Ohmygee! They look so bagay. Parehas pa silang singkit, maputi, musically inclined at smart."
Napangiti ako, kami rin naman a. We both like anime, I also love musics, we're both a fan of sleeping with sirens, at parehas rin kaming singkit. Diba bagay din kami? Bakit walang nakaisip no'n?
Tuluyan ng nanikip ang dibdib ko kasabay ng pagpatak ng luha ko nang unti-unti tumango si Shanelle kasunod ng pagyakap sa kanya ni Cloud. What the? Why I'm crying?
Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid namin. Haha.. Tignan mo nga naman, while everybody is happy, I'm here shedding with tears. Yeah I know, ang babaw but can't help it. I like him so much, and these fast few days weird things happen. Mga bagay na nagpapahiwatig na he's interested on me. Lagi ko siyang nakakatitigan, I always caught him looking at me...
Then it hit me...
Shanelle was always behind me or next to me whenever I caught him looking at my direction. Naalala ko ring magkahawig kami ni Shanelle sa unang tingin ayon sa mga taong nakaksalamuha namin. We're both have small eyes and small pointed nose, magkashape din kami ng mukha pero mestiza siya, between mestiza and morena naman ako, parehas ding bagsak ang buhok namin. Kaya siguro palagi siyang nakatingin na akala ko ay sa akin. Baka napagkakamalan niya lang ako. Leche! Pagkakataon nga naman.
"Hoy Jasha! Bakit ka naiyak dyan?" Nagulat ako ng sigawan at yugyugin ni Andrea ang braso ko. Umiling lang ako at tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko.
"Kanina mo pa bes kapit braso ko, masyado ng napapahigpit. Atsaka medyo masakit ang ulo ko e." Lame reason, sinikap kong maging maayos ang salita ko para hindi niya mahalata na iba ang dahilan ng mga luha ko.
"Talaga ba? Tawagan ko na si Tito para masundo ka na." Iniwan niya ako at lumapit sa table namin kung saan nakalagay 'yong pouch niya. Maigi pa nga sigurong umuwi na ako kaysa masaksihan ko pa ang mga ito. Ayokong mag-emo dito samantalang 'yong crush ko masayang sinagot na ng kaibigan ko. That was unfair, well life is unfair. Pinunasan ko luha ko, ang stupid lang ng pag-iyak ko. Ghad Jasha Noreen! It's just a crush, why crying like a cheated girlfriend. Buti na lang light make up lang ang gamit ko. Natatawang bumalik ako sa table namin.
"Luh, nababaliw na si Jasha." Napabaling ako kay Alyanna na nakangiting nakatingin sa akin. Buti na lang talaga hindi ko sinasabi sa kanila na crush ko si Cloud atleast ngayon hindi nila ako maasar. Mag-isa lang ako ng nagdradrama sa pagkakaroon ng lovelife ng crush ko.
"Baka nga." Pagsang-ayon ko sa kanya. Well, maybe I must gone crazy. Sino ba namang matinong tao ang mag-aakalang siya 'yong tinutukoy ng taong gusto niya kahit na hindi naman siya siguradong siya nga? Oo, may mga bagay na nagsasabing parang ikaw. Pero sa mundo marami tayong nakakapareho. Hindi palaging unique.
Marami ngang namamatay sa malaking akala. Akala ko ako, akala ko sa akin nakatingin. Akala ko si JM at Shanelle ang love team. Akala ko lang pala. Deym! Dahil Shanelle and Cloud pala ang love team. Ang hirap talaga sa babae, maliit na bagay binibigyan ng meaning. Ang hihilig mag-assume ng bagay bagay. Ang lawak ng imaginations. Kaya ang resulta, wasak na puso. Ang taas na ng patong-patong na imagination kaya ng nagiba, ayon lagapak, wasak.
I should not assume things too much kasi masakit umasa.
-------------
YOU ARE READING
All I Thought
Short StoryAll she thought it was her. All she thought there's something. All she thought she moved on. But it's only a thought.