9

3 0 0
                                    

After 5 years

Kalalabas ko lang galing trabaho, naglalakad ako ngayon sa mall na mag-isa. Yeah, after all these years, I'm still walkin' alone all by myself. Umupo ako sa bench ng mall habang humihigop sa shake na binili ko.

I've dated few guys but no one of them ended on me. Wala akong binagsakan sa kanila, dahil siguro sa standards ko sa lalaki, na until now hindi ko pa nakikita. Hindi ko na ulit nakita rather.

Napatingin ako sa escalator na tapat ng inuupuan ko. Napangiwi ako ng makitang halos couple ang mga nakasakay dito. Seriously? Pinagtritripan ba ako ng tadhana.

Natigilan ako ng makilala ko ang dalawang taong nakasakay sa pababang escalator. It's Shanelle and Cloud. Napaawang ang bibig ko nang magtama ang mata namin ni Cloud. Natatarantang dinampot ko ang bag ko at naglakad palabas ng mall.

Nakahinga lang ako ng maluwag ng makarating ako sa parking lot. Sumandal ako sa kotse ko para mamahinga. Pinakiramdaman ko ang tibok ng puso ko. Ganoon pa rin ito, gaya ng dati. Ang OA ng kabog kapag nakikita siya.

Binuksan ko ang pinto ng driver's seat, pumasok ako at naupo. I breathed out, tinanggal ko ang eyeglass ko and massage my eyes.

After 5 years, I saw him again. I didn't graduated in the same university with them. Kinailangan ko kasing lumipat ng university dahil sa ibang lugar nadestino ang papa kong pulis. Lumipat kami ng Batangas City, I studied there na 'yon pa rin ang course. Kung kaya't hindi ko na siya nakita pa. Tinapos ko lang sa dati kong university ang isang semester before ako nagtransfer. Nakakalungkot man isipin kasi mapapahiwalay ako sa mga kaibigan ko pero ginawa ko na rin 'yong pagkakataon para makalimutan ko si Cloud. Kahit walang may alam sa kanila na nagkaroon ako ng feelings kay Cloud sa tingin ko kailangan ko pa ring dumaan sa moving on process.

Now, bumalik ako dito sa Lucena after 5 years. Bukod sa namimiss ko na mga kaibigan ko, naandito rin ang trabaho ko. Isa ako sa mga engineer sa ginagawang mall dito. Yeah, I'm a Licensed Engineer now.

Napabalikwas ako ng may malakas na bumusinang kotse, sinilip ko kung anong meron. Nakita kong pasakay si Shanelle sa isang kotse marahil sundo niya. Kumakaway siya kay Cloud na nakatayo sa kotseng katabi ng sa akin. Kahit alam kong tinted at hindi naman ako kita, parang tangang isinubsub ko ang mukha ko sa steering wheel.

They're still together until now. Ang strong ha. Hindi ko na nabalitaan kung ano ang nangyari sa lovelife nila nang lumipat ako ng university. Hindi ko tinatanong sina Andrea dahil wala naman silang alam sa kadramahan ko tungkol kay Cloud. Laking pasasalamat ko na rin na hindi ko friend si Cloud sa facebook, atleast hindi ko nalalaman ang sweetness nila.

Dumaan ang limang taon na 'yon ng hindi pa rin ako nakakamove on. Oo, ang hirap e. Well, I think first love never dies? I realized noong mga panahong nagmomove on ako na hindi lang pala ito basta crush, I'm inlove. But the sad thing is, it's a one-sided love.

Kaya grabe na lang ako mataranta ng makita sila kanina. No, I'm not ready to face them, him. Alam niyo 'yong kung kailan ka gustong makalimot saka sila nagpapakita kaya walang kang nagagawa kapag bumabalik ng bumabalik feelings niyo sa kanila.

Umayos na ako ng upo ng makitang umandar na ang sasakyan niya paalis ng parking lot. Isinuot ko na ang eye glass ko.

Napangiti na naman ako sa kawalan. We're now both in glasses, so mas lalong bagay na kami. Hanggang bagay nga lang kasi hindi naman magiging kami. Pinili ko ng kumuha ng eyeglass sa panlalabo ng mata ko habang nag-aaral way back then.

I compose myself, pinaandar ko na ang kotse ko at umalis na rin sa parking lot. I'm tired, I badly need to rest. And I definitely need to stop thinking about them, him.
-------------

All I ThoughtWhere stories live. Discover now