5

3 0 0
                                    


Tumakbo ako sa mga bleachers kung saan nakalagay ang gamit namin. Dinampot ko ang bote ng tubig at uminom. Nilingon ko si Naleen na nakalagay ang isang kamay sa bewang at kapit ang raketa sa kabilang kamay.

"Bilis Jasha! Ginaganahan na ako e." Sigaw niya at nagtatalon pa.

Natawa ako sa pagtalon niya. Ibinalik ko na ang bote sa bleachers at dinampot ang raketa at shuttle. Nagsimula na ulit kaming maglaro ng badminton. P.E.3 namin ngayon and we're at the gym.

Umatras ako para mahampas ko ang napataas ng pagpalo ni Naleen ng shuttle cock. As always, lagi niya akong pinahahabol ng shuttle cock.

"Jasha! Sa likod mo!"

Pero hindi na ako napigilan ng sigaw niya dahil nabangga na ako kakaatras. Nasa ilalim ko ang sa tingin ko'y isang tao na nabangga ko. Dali-dali akong tumayo ng narinig kong mahina siyang tumatawa. Pamilyar na mahinang tawa.

"Sheez. Sorry." Nakatungo ako at pinagpagan ang kamay ko. Inilahad ko ang kamay ko para tulungan siya makatayo. Nanlaki ang mata ko, nakangiting inaabot ni JM ang kamay ko. Siya na naman nakabangga ko?

"Diba sabi ko, mag-ingat ka sa susunod? Kita mo, nahulog ka na naman." Nakangisi siyang pinapagpagan ang damit niya. Hindi ko alam kung maaangasan ba ako sa kanyang pagsasalita o sadyang ganoon lang talaga 'yong way niya magsalita.

"Jasha, okay ka lang?" Lumapit na ang iba kong mga kaklase sa amin. Tumango lang ako kay Shanelle na nagtanong. Tinignan ko ulit si JM, nasa likod niya ang buong barkada ni Cloud. Lalong nanlaki ang mata ko ng makitang nakatingin na naman sa direksyon ko si Cloud. Iniwas ko ang tingin ko, nagsorry ulit ako kay JM at umalis na sa scene na 'yon. Natapakan ko pa ang paa ni Shanelle na nasa likod ko sa pagkataranta. Bumalik ako sa bleachers at ininom ang tubig ko. Sumunod sa akin si Naleen at Andrea.

"Sorry Jash. Magpahinga ka na lang muna." Nagkakamot sa kilay na sambit ni Naleen. Tumango lang ako bago bumaling kay na Cloud. They're still standing there kausap sina Shanelle.
Tinignan ko ulit si Cloud na ngayo'y kausap ni Charisse. Umiwas agad akong ng tingin ng makitang nakatingin din siya dito.
------------------

All I ThoughtWhere stories live. Discover now