2

3 0 0
                                    

Cloud Richford Cuevas.

Nagscroll pa ako sa fb niya. I'm not stalking, I'm just curious.

Looks can be deceiving ika nga. He looks like a serious type of person, a snob, smart and an intimidating one. May aura siya na nakakatakot lapitan sa pamamagitan palang kung paano siya tumingin. 'Yong mga mata niya parang sinasabing -I don't care on what you're sayin'-, mag-aalinlangan ka talgang kausapin siya. And he barely smiles. But base on his posts, may sense of humuor din pala siya. He also likes music.
Nakilala ko siya no'ng enrolment day. Not really nakilala, I just saw him and he got my attention. Sa dami ng students that day sa open field, he stand out. He's wearing a plain black v-neck shirt, khaki short and a maroon vans shoes. Simple pero mukha siyang ramp model. I also found out he's a Computer Engineering student. Now he's in third year and I'm in second year taking up Industrial Engineering. Kahit more than a year ko na siyang kilala, hindi pa rin niya ako kilala. I don't usually introduce myself to a person, especially sa crush ko. Mukha kasing ako pa 'yong nagfifirst move. I'm still waiting na siya ang unang magpapakilala sa akin. But I think puputi muna ang uwak bago mangyari 'yon. We're both a shy person, hates people's attention.

"Jasha may naghahanap daw sayo sa labas." Agad kong sinara ang laptop ko. Nilingon ko si Andrea na nakaturo sa labas pero nakatingin sa laptop ko, nakatayo si Rizzy sa labas ng pinto.

"Si-sino naman?" Pasimple kong tinatabi ang laptop ko sa bag nito. Nakita ba niya?

"I don't know. Kaninong account 'yong inistalk mo?" Pinanliliitan niya ako ng mata, medyo nakahinga ako ng maayos ng tinanong niya 'yon. Thank god, hindi niya nakita kung kanino.

"Wala. Ano... pinsan ko." Ngumiti nalang ako sa kanya at naglakad na papunta sa pinto.

My friends doesn't have any idea na crush ko si Cloud. Ayoko lang ipaalam sa kanila, I want to keep it by myself. Once they know it, they'll probably tease me whenever Cloud is around. 'Yon ang ayokong mangyari. No, never. It's better that no one knows about it, it's more safe. Kapag nalaman ni Cloud 'yon, I'm dead.

Sinilip ko kung sino ang naghahanap sa akin ng makarating ako sa pinto. Nagulat ako ng makitang 'yong barkada ni Cloud ang nasa labas ng pinto. Sila ba ang naghahanap sa akin? Seriously? Iginala ko ang paningin ko sa kanila, two of them is looking at me. Walang Cloud akong nakita, tatatlo lang pala sa kaibigan ni Cloud ang narito.

"Jasha babalik na lang daw 'yong naghahanap sayo. Ang tagal mo kasi." Napalingon ako kay Rizzy na nagsalita, katabi niya 'yong boyfriend niya na kaibigan din ni Cloud, Rupert ata ang pangalan.

Nadismaya ako, akala ko sina Cloud na ang naghahanap sa akin. I thought wrong pala. Dahan dahan na lang akong tumango kay Rizzy, tumalikod na ako at papasok na sana sa loob pero napalingon ako sa pagsigaw ni Rizzy.

"Ayan na!" Hyper siyang nagtatalon, "Shan! Cha! Hurry up!" Hyper pa rin siyang tinatawag sina Shanelle at Charisse na naglalakad sa hallway. Ipagkikibit balikat ko na lang sana ang kung anong meron sa kahyperan ni Rizzy pero nakita kong kasunod nina Shanelle at Charisse si Cloud at ang dalawa nitong kaibigan.

Magkasama sila? So close nga ata talaga.

"Bes come with me. Richard is outside the university. Makikipag-usap lang daw. Samahan mo ko, dali!" Hinila ako ni Andrea na bigla na lang lumabas sa pinto na naghihysterical. Sa kakahila sa akin ni Andrea ay nabangga ko pa ang isa sa kaibigan ni Cloud.

"Sorry, pasensya." hinging paumanhin ko. Sa pagkakaalam ko JM ang pangalan niya. Mahina lang siyang tumawa, "It's okay. Be careful next time."

Ngumiti na lang ako ng alanganin, napatingin ako kay Cloud na nakatingin sa akin na as if siya 'yong nabangga ko. Umiwas agad akong ng tingin.

"Naku JM! Sorry, nagmamadali lang. Tara na Jash!" Hinila ulit ako ni Andrea, malalaking hakbang ang ginagawa niya. Lumingon ulit ako sa kung saan naroroon sina Cloud. Nakita kong nakatingin pa rin sila sa amin, kumaway si JM sa amin samantalang nakatitig lang si Cloud.
------------------

All I ThoughtWhere stories live. Discover now