"Bakit ba ang tagal ng Sean na 'yan?" Naiinip kong tanong kay Andrea. Nakaupo ako sa bleacher ng open field, kanina pa kami dito. Hinihintay ni Andrea ang pinsan niya dahil sa bahay nina Sean daw muna siya pinatutulog ng kanyang mama since wala siyang kasama sa kanila.
"Andeng!" Parehas kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses, kumakaway na naglalakad si Sean papunta sa amin kasama si John at Daniel. Tumayo ako at naghanda ng umalis.
"Ano? Let's go?" Inakit ko na sila, nagsimula na akong maglakad. Finally, I'm going home. Gusto ko ng matulog.
"Sandali Jasha, may kasabay pa tayo." Nagkakamot sa batok na pinigilan ako ni Sean.
Napataas ang kilay ko, "What?" Umirap na lang ako at bumalik sa pagkakaupo. Humikab ako at tinignan sina Sean, John at Daniel na nag-uusap. Sumandal ako sa balikat ni Andrea, pinikit ko ang aking mata. Sino pa ba ang hinihintay? I'm so tired.
"Cloud! Over here!" Napamulat ako. Hindi lang sa sigaw pati sa pangalan na nabanggit. Cloud? Siya 'yong hinihintay? Siya 'yong kasabay pa namin?
"Sorry. May pinuntahan lang. Tara na?" Napatayo na ako ng marinig ko pa ang boses niya. Ang malalim niyang boses na ngayon ko lang narinig.
"Jash, are you okay? 'Yong gamit mo oh." Inabot ni Andrea sa akin ang bag ko, nilingon ko siya at kinuha ang gamit ko. Nag-iingat na huwag mapatingin kay Cloud. I'm not comfortable on how he looks at me. But unfortunately, since I turned my head nakasalubong ko pa rin ang mga tingin niya. Tumalikod ako at nagsimula ng maglakad, sinabayan ko si Daniel na nauuna ng naglalakad sa amin. Buti na lang hindi masyadong matanong itong si Daniel.
"Wait Jash! Why in a hurry? Are you really that sleepy?" Sinabayan na ako ni Andrea sa paglalakad. Kung kanina I'm sleepy, well now, nawala. Maybe because of his presence. Nagising ang diwa ko.
Sumakay na kami ng jeep, nagkukwentuhan lang sina Cloud, while me and Andrea are just sitting quietly. Hinihiling ko na sana huwag agad makarating 'yong jeep sa village namin para makasama ko pa ng kahit konti si Cloud. I'm taking glances every minute on him, malakas ang loob kong gawin 'yon dahil alam kong busy siyang nakikipagkwentuhan. Nakakalungkot mang isipin na hindi man lang niya makuhang sulyapan ako pero ako na lang kukuha na pagkakataon na tignan o sulyapan siya.
Sa tagal ko ng sumasakay ng jeep ngayon lang ako nainis sa lapit ng village namin sa university. Bababa rin ako agad ng jeep, nagpaalam na ako sa kanila at sa huling pagkakataon, tinignan ko ulit si Cloud. Nagulat ako ng makitang nakatingin din siya sa akin, bumaba na akong nagpipigil ng hininga. Hindi na ako lumingon upang maiwasan ang lalong paglakas ng kabog ng puso ko. Nakahinga lang ako ng maluwag ng marinig kong umandar na 'yong jeep. Napakapit ako sa dumadagundong kong dibdib.
-----------
YOU ARE READING
All I Thought
Short StoryAll she thought it was her. All she thought there's something. All she thought she moved on. But it's only a thought.