4

2 0 0
                                    

Nagprapractice kami ni Shanelle ng aming script sa play namin sa isa naming subject. We're in the same group. Natatawa kami sa bawat pagkakamali ng mga sinasabi namin. Nasa garden kami ng school, mas tahimik kasi dito at comfortable.

Kanina pa na iinterupt ang pagprapractice namin sa bawat mga estudyante na dumadaan sa hallway kanina noong sa benches pa kami nakastay kaya lumipat kami dito. Almost all of them are greeting Shanelle, well some greeted me too.

No wonder, Shanelle Fatima Veraña ba naman kasi kasama ko. She's famous pero hindi niya pinaninindigan. Dean lister siya and panlaban din sa singing contest noong high school siya. Hindi lang matalino at marunong kumanta, maganda rin siya at mabait.  She have an angelic face and a kind heart. But she doesn't mind if she's famous. Basta para sa kanya isa rin lang siyang normal na estudyante katulad ng iba. Hindi siya nagyayabang tulad ng ibang sikat ng estudyante sa campus na ito.

"Hi ate Shanelle! Hi ate Jasha!" Natigil kami ni Shanelle sa isang estudyanteng biglang sumulpot sa gilid namin.

"Hello Lyka!" Ngumiti si Shanelle sa kanya. I wave at her to say hello too. Freshmen ata ito kaya ate ang tawag sa amin.

"Hinahanap ka ni kuya JM kanina pa."

Sino? Ako ba? Nakatingin pa rin siya sa akin e. Ituturo ko na ang sarili ko para itanong kung ako pero bumaling siya kay Shanelle. Si Shanelle pala. Sabagay bakit naman ako hahanapin ni JM, hindi naman kami friends. Pero friends pala sila ni Shanelle. Hindi ko alam a.

"Bakit daw? Asan ba kapatid mo?" Tanong niya kay Lyka.

Luminga linga si Shanelle na parang hinahanap si JM. Kapatid pala ito ni JM. Kaya pala medyo hawig niya.

"Nasa open field sila nina kuya Cloud e. Kasama rin nila sina ate Rizzy at ate Charisse. Babalik na ako doon, sabay ka na sa akin?" Ngumiti ulit siya. Bumaling siya sa akin, kaya ginantihan ko ulit ng ngiti. "Gusto mong sumama ate Jasha?"

Agad akong umiling bilang pagtanggi. Ba't ako sasama? I'm not even close with those boys. Fine, nag-akala akong ako 'yong hinahanap. Pero kahit naman ako 'yong hinahanap talaga, hindi ako sasama. Kasi nga hindi ko naman sila friends.

"Jasha, okay lang ba iwan kita? We're almost done na naman e." Nahihiyang tanong ni Shanelle sa akin.

"Ano ka ba. Okay lang 'no. Sige, go on." Ngumiti ako sa kanila. Nagwave silang dalawa sa akin as a goodbye. Pinagmasdan ko silang naglalakad palabas dito sa garden.

"Ako kaya. Kailan hahanapin ni Cloud?" Bulong ko sa sarili ko.
-----------------

All I ThoughtWhere stories live. Discover now