Dalawang buwan na ang nakalipas ng makita ko sila sa mall ni Shanelle. Kahit dalawang buwan na iyon, paulit-ulit pa ring naglalaro sa isipan ko ang mga tingin ni Cloud. It's the same as how he look at me way back in college. Nothing change.
Nakatigil lang ang kotse ko sa gilid ng kalsada. Nilingon ko ang park na puno ng batang naglalaro. Naagaw ang pansin ko ng mga batang may kapit na isang itim na kalapati. Binubuhusan nila ito ng kulay white na powder na kalagay sa bote.
Bumaba ako ng sasakyan, nilapitan ko sila.
"Kids, 'wag paglaruan ang mga animals. Nakatingin si God." Suway ko sa kanila at tinuro ang langit. Binitawan naman nila iyong ibon at tumakbo palayo, natakot siguro. Pero naiwan itong isang batang lalaki.
"Eh kasi ate. Lagi pong sinasabi ng nanay ko na ibibili niya ako ng laruang kotse kapag pumuti na ang uwak. Kaya kinukulayan namin 'yong uwak para maibili na ako ng nanay ko ng laruan kotse." Inosente niyang sambit. Lumipad 'yong kalapati na inakala nilang uwak. Natawa ako sa batang lalaking ngayon ay pinupunasan ang kamay niya sa damit niya.
Lumingon ako sa paligid, buti na lang may mga nagtitinda dito ng mga laruan. Lumapit ako sa tindera, bumili ako ng isang laruan na kotse. Nilapitan ko 'yong batang nakatingala. Pinapanood niya 'yong ibon na kinulayan niya ng puti.
"Ayan kasi ate e. Hindi ko na tuloy maipapakita kay nanay 'yong uwak." Malungkot niyang sambit, teary eyed pa siya. Tumingin siya sa akin, pero nanlaki ang mata niya ng makitang may kapit akong laruan. Inabot ko sa kanya 'yon.
"Ayan na ang laruan mo. 'Wag ka ng mangulit sa mama mo ha, nag-iipon kasi 'yon para maibili ka ng mas malaki pa diyang kotse. At saka 'wag ng paglalaruan ang animals kasi pinapanood tayo ni God, okay?" Nakangiti siyang tumango sa akin, pinunasan ang mata niya, "Salamat ate at sorry doon sa uwak." Tumakbo na siya palayo sa akin at pinakita ang bago niyang laruan sa mga kalaro niya.
Naglakad na ako pabalik sa kotse ko. Mga bata ngayon inosente pero ang daming alam. Nagulat ako ng dumapo 'yong ibon sa hood ng kotse ko. Meron pa rin siyang konting puti sa balahibo. Napailing na lang ako, hindi ko akalain na seseryosohin ng isang bata ang kasabihang iyon. Though hindi naman talaga uwak iyong kinulayan niya.
Umupo na ako sa driver's seat, hindi ko pa tuluyang nasasarhan ang pinto ay nagvibrate ang phone ko sa dashboard. Dinampot ko iyon, may notification ako from facebook. Binuksan ko 'yon pero halos mabitawan ko na ang phone ko ng makitang friend request iyon.
Cloud Richford Cuevas
Confirm IgnoreNanginginig ang kamay ko, hindi makapaniwalang pangalan niya ang nakikita ko. Para siyang multo na bigla na lang nagparamdam.
Hindi ko alam ang pipindutin ko. Ibinababa ko ulit ang phone ko sa dashboard ng kotse ko. Pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang kamay ko, nararamdaman ko rin ang pag-iinit ng pisnge ko. I breathed heavily. Kumakabog na naman ang dibdib ko.
Nagitla ako ng biglang may kumatok sa nakabukas na pinto ng kotse ko. A tall figure and a broad shoulder man is standing outside my car. Hindi ko maaninag ang mukha niya gawa ng sinag ng araw.
"Hello Jasha Noreen Suarez." Mahinang tumawa ang boses na sobrang pamilyar sa akin kahit na makailang beses ko palang naririnig.
Ibinulsa niya ang mga kamay niya, tumungo siya at bumungad sa akin ang ngiting bihira ko pa rin lang nakikita. Nanlaki ang mata ko at nalaglag ang panga ko. A four eyed gorgeous man is smiling at me like an angel from heaven.
"I'm Cloud Richford Cuevas. Nice to finally meet you." Kumindat siya at ngumiti inalalabas ang pantay-pantay niyang mapuputing ngipin.
And yes, a guy from my past that never been mine is in front of me. Cloud Richford Cuevas is introducing himself on me. Am I dreaming?
Napatingin ako sa kalapating itim na kinulayan ng puti ng mga bata kasi napagkamalang uwak.
I'm still waiting na siya ang unang magpapakilala sa akin. But I think puputi muna ang uwak bago mangyari 'yon.
Puting uwak. Pumuti ang uwak. So that's why this is happening? Totoo ba 'yon?
Hinila niya ako palabas ng sasakyan at pinatayo sa labas.
"I've been looking for you for almost 3 years. Hindi kita makita, maging sa facebook. You blocked me." Nanlilit ang mata niyang pinagkrus ang braso sa ibabaw ng dibdib. Oo, binlock ko siya para hindi ko na siya makita pa. Nagmomove-on nga ako diba?
Nakatingin lang ako sa kanya at hindi pa rin masync in sa akin ang nangyayari."Aish. Matagal na dapat kitang hinanap at pinuntahan, ilang taon din akong naiinip kakaintay sayo."
Napaawang pa lalo ang bibig ko. Anong sinasabi nito?
"Jasha, sorry if ang tagal bago ko masabi sayo ito." Huminga siya ng malalim, "All I thought si Shanelle 'yong gusto ko. Kaya siya 'yong niligawan ko. Pero we didn't work out. Hindi rin niya pala ako ganoon kagusto kaya we broke up after a month." Nagkibit balikat siya, "Kung bakit ba naman kasi magkahawig kayo. Pero narealize ko na, may pagkakaiba pa rin pala kayo. Iba ang kislap ng mata mo kapag nakatingin ka sa akin. That's when I realized na hindi pala talaga si Shanelle ang napapansin ko sa inyo noon kundi ikaw." Lumapit siya sa akin. Kinapitan ang magkabilang balikat ko.
"I love how your eyes sparks kapag nakatingin ka sa akin." He said smiling in front of me. I can 't stop biting my lower lip para pigilan ang ngiti. He chuckled when he saw my face turning red. He pull me into a hug. Napasubsob ako sa dibdib niya at naririnig ko ang tibok ng puso niya na parang bang sumasabay sa lakas ng tibok ng puso ko.
I don't know kung ano ang nangyari sa kanila ni Shanelle. What matter most is that this guy hugging me is finally know my existent.
Assuming things is not really a bad thing, I guess?
Kasi ang minsang inassume kong lalaking may gusto daw sa akin ay ngayon nasa harap ko at sinasabing gusto rin ako.
"Grabe. Ang tagal ko hinintay ang pagkakataon na 'to. Bakit ko ba pinatagal pa ng ilang taon?" Bakas sa boses niya ang pagkairita, "Sheez. Ilan taong ko ring kinakausap 'yong picture mo ha? Damn! I miss you so much." Natawa na lang ako at yinakap na lang siya pabalik.
Finally, I'm not assuming anymore. Kasi totoo na 'to.
-----------
![](https://img.wattpad.com/cover/154595360-288-k196383.jpg)
YOU ARE READING
All I Thought
Short StoryAll she thought it was her. All she thought there's something. All she thought she moved on. But it's only a thought.