MAYMAY"Ma'am I suggest Maymay Entrata!"- sagot ni marco sa teacher namen.
"Uyy! Marco nabuang ka bai! hindi naman ako maganda para sumali jan sa pageant na yan!"- bulong ko dito habang hinihila ang damit paupo.
"Ano ka ba! sinong may sabing di ka maganda, sasapakin ko?!"- kunwari galit na sabi nito habang pinagtagpo ang palad at kamao.
"nabingi ka na. Ako malamang di mo ba narinig!"- siningkitan ko sya ng mata habang sinasagot sya.
"hehehe! i mean maganda ka kaya! kaya pwedeng pwede kang sumali dun ska matalino ka pa! beauty and brain ika nga nila! baka manalo ka pa nga dun eh!"- biro pa nito.
"naku marco tigilan mo nga ako, wag mo kong bolahin at di ako sasali jan! isa pa gastos lang yan wala akong panggastos jan, ayoko namang manghingi kila lola!"- sagot ko dito.
"yes miss entrata why not?! you have the body of a model! why don't you try this pageant, isa pa may mga sikat na designer ang aattend malay mo paladin kang manalo!"- sabi naman ng teacher namen.
"yaak! si mam bulag yata!? body of a model daw eh parang tingting nga ung katawan nya!"- bulong ng isa kong kaklase.
"tama ka jan! mas mganda pa yta ang katawan ko sknya eh!"- sabad naman ng isa.
"ayy naku mam pasensya na po pero hindi po kaya ng budget ko ung gagastusin sa pageant na yan! saka wala po akong lakas ng loob sa pagsali jan ma'am! Ung iba nlang po!"- sagot ko dito.
"wag kang magalala sagot ng school ang gastusin may funds para sa ganitong event ang school naten tulong na din sa mga estudyante!"- sagot nito.
"ehh naku mam iba na lang po! tingin ko po hindi ko kayang sumali sa mga ganyang contest baka ipahiya ko lang po ung klase namen pati na ang school!- magalang kong sagot dito.
"yeah right!"- rinig kong sagot ng unggoy na katabi ko. Sinamaan ko sya ng tingin.
"wag kang magalala may praktis naman kaung mga sasali kaya makakapaghanda ka pa! isa pa wala ng ibang gustong magvolunteer sa klase nyo kaya sana pumayag kana ms. Entrata!"- pakiusap nito.
"uo nga naman may!"- bulong ni marco! tinitigan ko sya na parang sinasabi ng mata ko na 'ikaw ang may kasalanan nito, loko!'.
"sige po ita-try ko pero wag po sana kaung magexpect saken first time ko pong sasali sa kahit anong competition."- sagot ko.
"good! may tiwala ako sa inyo! fighting!!!! oo nga pala ung mananalo ilalaban sa ibang school, lahat ng mananalo sa kanya kanyang school maglalaban laban! ang balita ko ngayong taon lang ganito ung concept at malaki daw ang prizes kaya goodluck sa inyo at galingan nyo! Please guys support your classmate, wag kaung puro lait ni hindi nga kau makapagvolunteer. Bye class!"- sabi nito bago kami iwan para pumunta sa ibang room.
"hay naku! madame naman dito bakit kung sino pa ung panget sya pangsasali!"- parinig nung isa kong kaklaseng mataba. tatayo na sana ako para patulan sya pero may nauna na saken.
"kung ayaw mong si maymay ang sumali bakit di nalang ikaw?!"- sabi ni marco dito.
"talaga? sa tingin mo pwede ako diba?!"- nakangiting tanong nito kay marco.
"uo tingin ko nga mananalo ka eh! lalo kung may swimwear na gaganapin! may salbabida kana kasing dala!"- sagot nya dito.
"hahahaha"- tawanan ng mga kaklase ko. Hindi naman sya nakasagot at namumulang bumalik sya sa upuan nya.
"kundi nyo sya kayang suportahan atleast wag nyo na lang idown or i bash! manahimik na lang kayo! pollution lang ang dulot ng mababaho nyong hininga kaya itikom nyo na lang ang bibig nyo!"- galit na sabi nya na rinig ng lahat. Wala namang nagsipag salita pa.
BINABASA MO ANG
MY WIFE IS A TOP MODEL (MayWard Presents)
FanfictionIsang simpleng babae na lumaki sa hirap pero napalilibutan ng mga mapagmahal tao. Pamilya, kaibigan at superBestfriend. Mabait, masayahin, malambing, matalino, MAGANDA pero...... Hindi nya alam. A very humble person. Isang lalaking lumaki sa ibang b...