Chapter 3

52 2 0
                                    

I checked the time on my cellphone. 2 PM. I'm getting impatient.

Just then, dumating na ang kanina ko pa hinihintay.

"Girl! OMG. Sorry..." Umupo si Rachel sa upuan na nasa harap ko. Ilang minutes ko na siyang hinihintay dito sa Milk Tea shop.

"As usual.. laging late..."

"Sorry na, girl. Libre nalang kita."

Ngumiti ako... meaning payag ako dun.

"So, ano? Sabihin mo na.."

Bago ko kwenento ang nangyari sa party kagabi, omorder muna kami ng milktea. Sabi ni Rachel pampatanggal daw ng sadness ang sweet drinks. Hindi ako naniniwala.

Tahimik lang siya nung simula ng pagkwento ko. Nang malaman niya ang pinaka-twist ng pangyayari, natawa siya.

"Wahahahahahaha..." ang lakas ng tawa ni Rachel. Tinignan siya ng napadaan na couple. "First love? Ni Karl? Baka naman niloloko ka lang ni Mike."

"Seryoso siya nung sinabi niya yun. Magsisinungaling ba siya ng ganun kabigat?"

"Sabagay...pero.. kung sinabi ni Karl dun sa Celine na yun na close friend ka lang niya, ibig sabihin.. hmmm.. may plano siyang makipagbalikan kay girl?"

Nagdabog ako sa table. Hindi naman masyadong malakas pero nagulat si Rachel.

"Dumadami ang karibal ko..."

"Alam mo, girl.. you don't deserve Karl.. Marami naman diyang iba.. tulad nung gwapong lalake na papalapit sa atin ngayon.."

"Saan?" Lumingon ako sa paligid. Wala naman akong makitang papalapit sa amin. Jino-joke ata ako nitong babaeng ito.

“Tingin tingin din sa likod pag may time..” sabi ni Rachel.

Hindi naman siya nagkamali. Pagtingin ko sa likuran ko, nakita kong naglalakad papunta sa amin si Gelo. What a great coincidence!

Nagkatinginan kami at bigla niya akong nginitian.

“Hey!” he said nang makalapit siya.

“Hi!” sabi ko naman. “Uhm.. anong ginagawa mo dito?”

“Just looking around the area.”

“I see... ah! Eto nga pala si Rachel... Rachel, this is Gelo..”

Nag shakehands sila. Muntik na ngumanga si Rachel nang tinignan niyang mabuti si Gelo.

Rachel, wag kang magkakamali. Target ko yan.

*************************************

A/N:

Yes! Ano sa tingin niyo?

Aagawin kaya ni Rachel si Gelo?

Ano kayang balak ni Jasmine kay Gelo?

Paano kaya kung talagang makikipagbalikan si Karl kay Celine?

Abangan ang Chapter 4! :)

xx _bloodheaven_ xx

Main ChickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon