Chapter 11

11 2 0
                                    


"Wow, girl! Ang messy ng room mo ngayon. Aalis ka ba?" bungad sa akin ni Rachel nang makapasok sa bedroom ko.


"Obvious ba?" tinitignan ko ang bawat dress na meron ako. Gusto ko ako lang ang maganda mamaya. "Dali! Tulungan mo akong pumili ng isusuot."


"Saan ka pupunta? Sama ako!"


"Hindi pwede. Dinner slash Double date namin ni Gelo kasama si Karl at feelingerang Celine."


"Hala! Parang scene sa telenobela! Ito na yung part na magsisimula ang plastikan at-"


I gave her my mean look. Nanahimik siya.


"Sorry, bestfriend..." bulong niya.


"So ano sa tingin mo - blue, black, red or silver?" tinuro ko yung mga dress na nakalagay sa bed ko.


"Bagay naman sa iyo lahat eh. Hmmm.... Red nalang para war! Red is revenge!"


"Gaga!" natatawa ako.


Umupo si Rachel sa bed ko. "Kelan ko ba makikilala yang Celine na yan para mahusgahan na?"


"Ayoko ngang magkakilala kayo. Baka agawin ka pa sa akin."


"Huh?! BFF kaya tayo! Hindi ako magpapaagaw. Ako'y sayo at ika'y akin lamang..." bigla niya akong niyakap.


"Ang cheesy mo... Sige, red na nga."


---


DINNER TIME


Nag taxi ako papunta kina Gelo. He was waiting for me at their doorstep.


"You're the most beautiful girl I've ever seen." he said nang makalapit ako.


Kinilig ako pero bigla kong naisip, sana magandahan din sa akin si Karl.


Gelo kissed me on the cheek.


Grabe, ang gentle niya. Ni hindi pa niya ako kini-kiss sa lips. It's not that I want it...


Pagdating sa dining room, andun na sina Karl at Celine. Pagkakita sa akin ni Celine, agad siyang tumayo at nakipag-beso sa akin.


Feeling close, 'teh?


"Wow. You look so pretty!" she said with a complete smile. Tinignan ko ang suot niya. It was a white dress.


"You look..." Innocent. Pure. Fake. "..elegant." I smiled back.


Main ChickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon