Chapter 5

34 2 0
                                    

“Gelo, sorry. I need to go na.”

“You’re going home?”

“Yeah... Sorry ha? Babawi nalang ako next time?”

“Ihahatid na kita. I brought my car.”

“Wag na! Wag na... I’ll take a cab.”

“I’ll call a cab for you...”

“No. It’s okay. Don’t worry...”

“Pero...”

“Okay lang talaga... Uuwi na ako. See you next time...”

Paalis na sana ako pero hinawakan ni Gelo ang kamay ko. Tinitigan ko siya.

“Next time... let’s eat dinner together.” sabi niya.

“Okay.” Ngumiti ako sa kanya.

Nagpaalam ako ulit at dumeretso sa arcade area ng mall. Lumingon lingon ako sa paligid, making sure na hindi niya ako sinundan.

I checked my phone. Nagtext ako kay Karl. I asked him where he was. Nag reply siya agad. Papasok na daw siya sa mall. Tinext ko siya na nasa arcade area ako.

After 7 minutes, dumating siya. He looked so handsome! Tinitignan siya ng ibang girls na malapit sa tabi ko.

“Ang gwapo nun oh!”

“Saan?”

“Ayun!”

“Ahy! Oo nga!”

Gusto kong sabihin sa kanila: Boyfriend ko yan noh!

Madaming tao sa loob ng arcade pero nakikita kong palapit si Karl. Ang tangkad niya eh!

“Hey!” he greeted me.

“Hi, Ba—“

Muntik ko na siyang matawag na “Babe” pero na-distract ako. Pano kasi... may biglang nag appear mula sa likod niya... walang iba kundi si Celine!

“Hi! You’re Jasmine, right?” she said.

“Yes..” tinignan ko si Karl.

“Celine called me and wanted to have dinner. Gusto niya kasama ka.”

“Me? Why?” tinanong ko si Celine.

“Since I heard that you’re so close with Karl, I want to know more about you.”

Anong binabalak nitong babaeng ito?

“Come on, Jas... A simple dinner wouldn’t hurt.” pilit ni Karl.

“Hmm.. sige na nga..” Let's see how this turns out.

Pumunta kami sa isang expensive restaurant. Hindi pa ako nakapunta dito. Ang ganda ng ambiance.

“This is my favorite restaurant. Remember, Karl? We used to eat here before.” Celine said happily.

“Yeah.” Umagree naman si Karl.

I rolled my eyes mentally. May gusto pa rin ata ang babaeng ito kay Karl. Alam kong ramdam ni Karl ang pagkainis ko kaya he gave me a warning look.

“Table for 3?” tanong ng waiter.

“No... 4...” sagot ni Celine.

“Bakit 4?” tanong ko pagkaupo namin.

“Kasi my brother will also be here.”

"Brother? Si Gelo?"

Tumawa si Celine. "Hahaha.. Yeah. Siya lang naman ang nag iisang kuya ko."

Oh no! Bakit ganito pa ang mangyayari? Sinabi ko pa naman na uuwi na ako..

"There he is! Kuya!" kumaway si Celine kay Gelo na kakapasok lang sa restaurant. Hindi ako makatingin kay Gelo habang palapit siya.

"Oh!" nagulat siya nang makita ako. "Jasmine, I thought you went home."

Kumunot ang noo ni Karl. "Paano mo naman nasabi?"

"Well.. nakita ko siya kanina dito... at...."

Nakayuko lang ako. I don't want to look at his eyes.

"At ano, Kuya?" usisa ni Celine.

**********************************

A/N:

Waaaa... Sasabihin kaya ni Gelo ang totoo?

Abangan sa next chapter :)

Salamat po sa pagbabasa!

xx _bloodheaven_ xx

Main ChickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon