Chapter 6

32 2 0
                                    

“Nag usap kami. Kasama namin si Rachel, yung friend niya.” sagot ni Gelo.

“Really? Pakilala mo naman sa akin next time, Jas.” sabi ni Celine.

Pati ba naman bestfriend ko, gusto niyang maging ka-close?

“Okay..” sabi ko naman. Gosh, I hate this girl.

After that, omorder na kami ng makakain. It looked awkward. Katabi ni Karl ang ex niyang si Celine. Katabi ko naman si Gelo, ang kasama kong nanood ng movie kanina at kuya ni Celine.

Nakakainis! Dapat ang katabi ko ngayon si Karl. Siya naman ang boyfriend ko ah!

“You know, Jas...” napatingin ako kay Celine na biglang nagsalita. “... bagay kayo ni Kuya..”

“Celine!” sabi ni Gelo.

Tumawa si Celine. “Ikaw naman, Kuya. I’m just stating my opinion. What do you think, Karl?”

“Huh?” tanong naman ni Karl.

“Do you think bagay si Jasmine at Kuya ko?”

“Well...” tinignan ako ni Karl, “.. she’s free to choose whoever she wants..”

Liar. Lagi mo ngang sinasabi na ayaw mo akong pakawalan.

“Ehhhh... ano kaya iyon? May boyfriend ka na ba, Jas?”

“Celine, don’t ask her with personal questions.” tugon ni Gelo.

“It’s okay, Gelo.” I finally answered. “I don’t have a boyfriend.”

Karl looked like he was piercing me with his eyes. Did that hurt, Babe?

“Yun naman pala eh! Ligawan mo na, Kuya...”

“Celine, isa pang pang aasar mo, aalis ako dito...”

“Ikaw talaga, Kuya. Wag ka na magalit...”

Then, nag usap kami about sa family namin. Sinabi ko sa kanila na mag isa lang akong nakatira sa condo unit. Ang parents ko hiwalay pero pinapadalhan nila ako ng pera. They don’t want me to work sa ngayon. Kaka-graduate ko lang ng college last year.

7 months pa lang ang relationship namin ni Karl. Naalala ko kung paano kami nagkakilala. Sa isang bar. Niyaya lang ako ni Rachel. Gusto niya daw kasi akong magkaboyfriend at dun daw kami makakahanap ng available. Pinilit niya ako kaya sumama nalang ako.

Pag naiisip ko ang time na iyon, masasabi kong hindi ako nagsisisi na nakilala ko si Karl. Kahit na alam kong marami siyang girlfriends, binibigyan naman niya ako ng attention. Pero ngayon... ewan ko nalang...

Tinignan ko si Karl at Celine. Ramdam kong super close sila at maraming pinagsamahan. Makikipagbalikan nga kaya si Karl sa kanya?

Magkasamang umuwi sina Gelo at Celine. Sinabi naman ni Karl na ihahatid niya ako sa condo unit.

On the way, hindi ko tinitignan si Karl. Nakatingin lang ako sa labas ng car window.

"Babe.." para akong kinilabutan nang marinig ko iyon.

"Yes?"

"I like Celine... and I wan't to court her..."

Napaluha ako. Pinunasan ko agad.

"Okay."

"But... you'll always be my main chick... and you know that..."

Pagdating sa condo, nag usap kami sa may pintuan.

"Do you like Gelo?" he asked.

"No." was my honest answer.

"But you'll eventually start to like him..."

"No."

Hinawakan niya ang pisngi ko at hinalikan ako sa noo.

"Maybe... it's time for me to let you go."

Tinignan ko siya. Umiiyak na ako.

"Goodnight, Jasmine."

Naglakad siya papuntang elevator. Gusto ko siyang pigilan pero feeling ko, wala naman akong magagawa.

You cannot defeat the first love...

**********************************

A/N:

Thanks for reading!

Sana mabasa niyo din ang other story ko -> Miss Love

xx _bloodheaven_ xx

Main ChickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon