“Jas! Jas!”
Ang ingay. Nakakainis. Antok pa ako.
“Jasmine! Anong oras na oh! Wake up!”
Napamulat ako. Si Rachel lang pala. Pinikit ko ulit mga mata ko pero may biglang sumagi sa isipan ko...
“OMG!!! What are you doing here?”
Bumangon ako at tinignan si Rachel. Tumingin din ako sa digital clock na nasa bedside table. 11:43 A.M.
“May duplicate key ako diba?” sagot ni Rachel. “Gosh, you look like a mess.”
Humiga ako ulit pero this time, hindi na ako babalik sa pagtulog.
“What happened?” she asked. “Have you been crying all night?”
“Karl wants to be together with Celine...”
“Ang kapal talaga ng mukha niya!”
“He broke up with me.”
“What?!”
“Well... di niya naman nilinaw.. pero sabi niya, maybe it’s time for him to let me go...”
“Revenge! You need to take revenge...”
“Huh?”
“You know... ipagpatuloy mo na yung pag-target kay Gelo... para magselos si Karl..”
“Alam niyang hindi ko gusto si Gelo...”
“Sinabi mo?! Eh.... kahit na.. basta... you need to get Gelo para magselos si Karl.. Mare-realize din niya... it’s his loss...”
“Hmm.. sige na nga..”
----------------------
After 30 minutes...
“Hey, Gelo...”
“Hi...”
“Are you free this afternoon?”
“Yeah. Nasa bahay lang ako. I’m actually bored here..”
“That’s great! Let’s meet up...”
“Really? Tayo lang ba?”
“Well... kasama si Rachel...”
“Oh...”
“Bakit?”
“Ah.. it’s okay. Sure! Text mo sa akin ang time and place.. I’ll get ready..”
“Wow! Thanks!”
“Seeya..”
“Yup.. Bye..”
I ended the call. Ang laki naman ng ngiti ni Rachel.
“Mukhang disappointed siya nang marinig na kasama ako ah..” comment niya.
“Hahaha!”
“Ang mean mo...” nagpaluan kami ng unan bago umalis para i-meet si Gelo.
------------
“Wow! I didn’t realize na may malapit na beach dito...” Gelo said while parking the car. Nasa MoonCrest Beach kami, isang tahimik at napakagandang beach malapit sa amin.
Pagkapark ng car, pumunta kami sa pinakamalapit na kainan. Nagulat si Gelo at Rachel nang makita si Mike.
“Hey! Andito din pala kayo...” natutuwang sabi ni Mike nang makita kami.
Of course, this was a plan. Tinext ko si Mike na pumunta dito. Kailangan ko masolo si Gelo at siyempre, gusto naman ni Mike na makasama si Rachel.
“Rachel, you’re getting prettier everytime I see you...” sabi ni Mike. Gusto ko matawa. Ang corny.
“Thanks.” sagot ni Rachel. Tumingin siya sa akin. Hinuhuli niya ako. Mukhang naramdaman niya na plinano ko ang pagpunta ni Mike dito.
Kumain muna kami. Sisig, bangus, lechon kawali... ang daming masasarap na pagkain dito!
“Watch your diet, girl.” Rachel warned me.
“Haha. Di naman ako mabilis tumaba eh.”
“Seriously, girls are very conscious of how they look...” sabi ni Gelo.
“Oo nga. It’s okay if you’ll be fat.. You’re still pretty.” sabi ni Mike kay Rachel.
Nag-blush si Rachel at uminom agad ng soda. I think nagugustuhan niya na si Mike.
Pagkatapos kumain, we took a stroll along the beach. Nasa harapan namin sina Mike at Rachel. Busy sila sa pag uusap.
"Ang dami kong nakain..." narinig kong sabi ni Rachel.
"Hahaha. Okay lang yan..." sabi naman ni Mike.
Tumigil ako sa paglalakad. Tinignan ako ni Gelo.
“Let’s not bother them.” bulong ko sa kanya. Mukhang na-gets naman niya kung bakit. We went on a different path. Buti hindi maaraw ngayon pero malakas ang hangin. It's giving me the chills. Naka-sleeveless pa man din ako.
Just then, tinanggal ni Gelo ang suot niyang polo. Nilagay niya sa likod ko.
Waaahhh... Akala ko sa movies lang nangyayari ang ganito...
“Thanks.” I said with a smile.
He smiled too. “Mahilig ka ba mag swimming?”
“Yeah.”
“Next time, swimming naman tayo. Dito or sa isang resort.”
“Okay.”
“Uhm.. Jasmine..”
“Hmm?”
“I know this is a bit fast.. but I want you to know...”
“What?” tumingin ako sa kanya. His ears are getting red. Is he blushing?
“I... I like.. I like you.”
Whoa. Ang bilis nga.
Nakatitig lang ako sa kanya. Bakit ganun? Parang kami lang ang tao ngayon sa beach. Rinig na rinig ko ang mga alon.
“I really like you.. Can you be my girlfriend?”
*******************
A/N:
Ohhh... Confessions! Umuulan ngayon ng confessions... Haha!
Nabasa niyo na ba yung isa kong story? -> SAYANG
Sana suporthan niyo din po ang other stories ko.
xoxoxo
xx _bloodheaven_ xx