Chapter 4

46 3 0
                                    

“So, let’s hang out. Mukhang wala ka namang ibang gagawin today.” I suggested.

“Sure. I was actually planning to watch a movie.” he said.

“That’s great!” natutuwang sabi ni Rachel.

“Girl, may lakad ka diba?” tinitigan ko ng mabuti si Rachel. Sana ma-gets niya kung ano pinapahiwatig ko.

“Huh? Wala...”

Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi napansin ni Gelo. Mukhang nataranta si Rachel.

“Ah!!! Oo nga pala. May pupuntahan pa ako.” Tumayo siya at kinuha ang kanyang bag. “Mauuna na akong umalis.. Mag enjoy kayo.. Bye!”

“Bye.” Kumaway ako sa kanya. Agad naman siyang naglakad palayo.

Tinignan ko si Gelo. Parang may iniisip siya.

“So.. it’s just us..” i said.

“Yeah.. Where do you want to go?”

“Gusto mo manood ng movie diba?”

“Kung okay sa iyo...”

“Oh tara na!” Tumayo ako mula sa upuan, looking excited.

We went to the cinema. Ililibre daw ako ni Gelo. Hinayaan ko siya na pumili ng papanoorin.

“Sure ka?” tanong niya.

“Oo.. kung anong gusto mo...”

“Eh baka magsisi ka..”

“Hindi ah! Okay lang kahit ano....”

For sure, horror or action ang pipiliin niya... like most of the guys. Magpapanggap akong natatakot pag horror or magugulat pag may killing scene.

After 10 minutes...

OMG! Lalake ba talaga ito?

Tumingin ako kay Gelo na nakaupo sa right side ko. He smiled at me. I smiled back then humarap sa screen.

I can’t believe it! Hindi ko akalaing pipiliin niya ang movie na ito.

THE UNBROKEN PROMISE

Gusto kong masuka sa title pa lang. Love story!!! Sira ang plano ko.

“Uhm... Gelo, ito ba talaga ang gusto mong panoorin?”

“Huh? Ayaw mo ba? I thought girls like this kaya...”

“Oh... don’t worry. It’s okay. Mukhang maganda nga eh...”

Nag vibrate ang phone ko. Pagcheck ko, may text message sa akin si Rachel.

Text niya: “GOODLUCK! BE NICE TO HIM HA? HE’S CUTE PA NAMAN.”

Gusto kong tumawa nang malakas pero nasa loob kami ng sinehan.

Nung simula, tahimik kaming nanood. Kumakain lang siya ng popcorn. Nilalapit ko ang kamay ko sa kanya. Ang balak ko: Hawakan niya ang kamay ko.

Pero... he crossed his arms!

“Ang lamig noh?” he said.

“Oo nga eh... Kung alam ko lang na manonood tayo ngayon, sana nagdala ako ng jacket.”

I crossed my arms too, appearing to be cold. Ang totoo niyan, sanay ako sa malamig. Haha!

Gelo, makaramdam ka naman. Mukha akong nilalamig oh?

He looked at me. Ito na kaya?

“Jasmine...”

“Yes?”

Feeling ko lumalapit ang mukha niya sa akin. Ito na nga!!!

Kaso... biglang umingay. Tumingin kami sa screen. Ang scene: May binaril na babae at nagkagulo ang mga tao.

Argh! Panira sa moment itong movie na ito. Tinignan ko si Gelo pero naka-focus na siya ulit sa movie. Haayyy. Nag concentrate na rin ako sa panonood.

Maya maya...

“Oh.. bakit ganun? Nakahanap agad ng kapalit iyong lalake?” comment ni Gelo sa movie.

“Hay naku. Tignan mo mamaya, marerealize ng lalake na hindi niya pala mahal yung babae at kahit anong gawin ng girl, hindi niya totally mapapasaya ang guy.”

“Really? Paano mo nasabi?”

I smirked.“Alam mo, you cannot defeat the first love.”

“Ibig sabihin.. kahit na gawin mo ang lahat para sa mahal mo, hindi ka pa rin niya mamahalin kung hindi ikaw ang first love?”

“It depends. Pwede kang mahalin pero... hindi pa rin niya makakalimutan ang first love niya... After all, one’s first love is very special.”

At ganun nga ang nangyari sa movie. In the end, hindi makalimutan ng guy yung first love niya at iniwan siya ng current girlfriend niya dahil dun. Nagpakamatay yung lalake. Nakapag move on naman ang babae.

Nang patapos na ang movie, chineck ko ang cellphone ko.

14 MISSED CALLS from Karl!

Inoff ko nga pala ang ringtone ng incoming calls ko mula nung makauwi ako galing party. Bigla kong in-ON ang ringtone ko.

Nang makalabas kami ng sinehan, nag ring ang phone ko.

BOYFIE... CALLING...

“Uhm.. wait lang ha...” sinabi ko kay Gelo.

Lumayo ako sa kanya para hindi niya ako marinig pag nasagot ko ang tawag.

“Hello?”

“Babe! Kanina pa ako tumatawag... Where are you?”

“I went out... sa mall..”

“Where?”

“Dito sa MC Mall.”

“Okay... Wait for me. I’m going there.”

“What?!”

Too late. He hanged up.

Tumalikod ako. Si Gelo nakatingin sa akin. Nakangiti.

Gosh! Anong gagawin ko?

*****************************

 A/N:

 Magkikita kaya si Karl at Gelo?

Find out on the next chapter! :D

xx _bloodheaven_ xx

Main ChickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon