Chapter 2

57 2 0
                                    

"Hello, Rachel."

"Girl.. do you know what time is it?"

"Hey.. listen.. si Karl..."

"I'm really sleepy... you woke me up.."

"Makinig ka... eto kasing si Karl..."

"Bukas mo nalang ikwento.."

"He told his friends that I'm his close friend."

"WHAT?!!!"

Ayun. Edi nagising din.

"Bakit? Paano? Diba ipinagmamalaki ka nga niya sa mga friends niya... What happened?"

"Isa-isa lang mga tanong ha.."

"Anong nangyari?"

"Ewan ko ba.. bigla nalang may dumating na magkapatid dito sa party. Babae at lalake. Kilala ni Karl yung girl.. Nung pinakilala ako sa kanila, sabi niya close friend niya daw ako."

"OMG! Sino ba yung girl?"

"Celine ang name."

"Celine?... Hmm.. Di ko kilala.. Ano naman kayang connection niya kay Karl?"

"Ewan ko nga eh.. Yun ang aalamin ko ngayon."

"Hay... oh sige, sige.. ichika mo lahat sa akin bukas.. Humanda yang Karl na yan.."

"Okay. Go back to sleep na."

"Bye."

Tinago ko na ang cellphone ko sa pouch ko at lumabas ng restroom. Saktong paglabas ko ay papunta naman si Mike sa kitchen na malapit lang. Hinila ko siya at tinakpan ang bibig.

"Shhh..." sabi ko sa kanya. Halatang nabigla siya sa ginawa ko.

Inalis ko ang kamay ko sa bibig niya.

"Tell me.. who's Celine? Paano sila nagkakilala ni Karl?"

"Ba't di mo tanungin si Karl?"

"As if naman sasabihin niya sa akin."

"Tanungin mo siya. Dapat sa mismong taong involved mo tanungin."

Maglalakad na sana siya palayo pero pinigilan ko siya.

"Sisiraan kita kay Rachel."

Lumingon siya sa akin at nanlaki ang mga mata.

"Anong sabi mo?"

"Akala mo hindi ko alam? Matagal mo nang gusto si Rachel."

"Paano mo nalaman yan? Sinong nagsabi? Si Karl?"

"Walang nagsabi. Nadiscover ko lang... So, ano? Hindi mo sasabihin kung sino si Celine? I'll make sure na hindi ka magugustuhan ni Rachel.. After all, she's my bestfriend..."

Tumalikod ako sa kanya.

"Wait!" sabi niya. Ngumiti ako at humarap sa kanya.

Lumapit siya sa akin at tumingin sa paligid bago bumulong.

"Si Celine.. siya ang first girlfriend ni Karl.. at minsan, sinabi sa akin ni Karl, yung babae na yun.. ang first love niya."

 -----

10 minutes after that conversation, I went back to the party. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Kausap ni Karl si Celine. They're being friendly with each other... to think na ex nila ang isa't isa. Nagtatawanan pa sila as if super close sila. I can't handle the sight.

Kumuha ako ng glass of wine and stared outside the window. Naramdaman kong may lumapit sa akin.

"Hey..."

Napatingin ako. Si Gelo lang pala.

"Jasmine.. what a beautiful name.."

"Thanks."

Ang gentleman naman nito kung magsalita. Tinignan ko siya ng mabuti. Chinito, matangkad, cute eyes, kissable lips...

Parang may light bulb na umilaw sa ulo ko.

He's gonna be my next target!

"Uhmm.. Gelo, I'm just curious.. How old are you?"

"25.. and you?"

I smiled at him.. sweetly. "You should not ask for a girl's age, you know."

"Oh. Is that so? Well.. Hulaan ko nalang.. 19? 20?.."

"Haha! I'm older than you.."

"Really? I don't believe that..."

Lumipas ang oras. Matagal kong kinausap si Gelo bago bumalik sa iba. Nang malapit na mag midnight, nagpaalam si Karl na uuwi na at ihahatid daw ako. Dinahilan pa niya ang pagiging malapit ng condo ko sa bahay niya.

Hindi kami nag usap ni Karl hanggang makarating sa parking area ng condominium kung saan ako tumutuloy.

"Hindi na kita ihahatid sa unit mo. I’m sleepy. I wanna go home na.”

“Okay.”

Binuksan ko na ang car door para lumabas pero hinawakan ako ni Karl sa kaliwang kamay.

“Babe...”

Tinignan ko siya. Mukha siyang nakakaawa.

“I’m sorry. About Celine...”

“I know...”

“Huh? What do you know?”

“I know you like her... and.. it’s okay.”

Binitawan na niya ang kamay ko.

“Goodnight, Babe.”

“Sleep well.”

Pagdating sa unit ko, I took off my heels and humiga sa bed. After a few seconds, hindi ko na napigilan. I cried myself to sleep.

 ***********************************

Main ChickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon