Chapter 9

21 0 0
                                    

A/N: Since maikli yung Chapter 8, hahabaan ko ang chapter na ito. Humanda kayo. Hihi. ;)

--------- x - x - x ---------

Day 1 after Break Up – Spa/Derma

Day 2 after Break Up – Hair Salon

Day 3 after Break Up – Shopping

“OMG, girl! I miss doing these with you!” masayang sabi ni Rachel pagkauwi namin sa bahay nila. Nilapag ko ang shopping bags malapit sa bed at humiga.

“Yeah... I feel so free now.” sabi ko habang papikit ang mata ko.

“The perks of being single... What are you doing?”

“Matutulog na ako. Pagod ako eh.”

“Wait! Di mo ba muna tatawagan si Gelo?”

“Huh?” binuksan ko mga mata ko.

“3 days na mula nung nag confess siya sa iyo. Di mo ba siya bibigyan ng sagot?”

Oo nga pala. Nag confess sa akin si Gelo 3 days ago sa beach. 3 days ago, nakipag break ako kay Karl. I’m officially single.

“C’mon, girl... sagutin mo na si Gelo. He’s nice and mukhang di ka naman niya lolokohin di tulad ni...”

Napatingin ako bigla sa mga mata ni Rachel.

“Oops. Sorry.” sabi niya habang tinatakpan ang bibig.

Bumangon ako.

“Okay. I’ll call Gelo and we’ll meet up tomorrow.”

“Yey!!!” Parang bata naman itong bestfriend ko. “Ako una mong sasabihan ng mangyayari ha? I’m so excited.”

I sighed. Tama ba ang gagawin ko?

---

Kinabukasan...

We decided to meet up sa isang Italian Restaurant. 10AM ang sinabi kong oras. Nang bumaba ako sa taxi, nakita ko siyang naghihintay sa labas ng kanyang kotse. He looked so cute. Chinito, maputi, matangkad...

“Hi.” he greeted nang makalapit ako.

“Hi.” So awkward.

“You dyed your hair. It looks good on you.”

“Thanks.” From black, naging blonde ang hair ko. “Uhm, bakit di ka naghintay sa loob?”

“Well, I thought na mas maganda pag sabay tayong pumasok tsaka..” nilapit niya ang bibig niya sa right ear ko, “I missed you.” bulong niya.

Gosh, I blushed. Ngumiti ako sa kanya.

We went inside the restaurant at umupo sa comfy chairs nila. Habang hinihintay na i-serve ang orders namin, kinausap ko si Gelo.

“I’m gonna give you my answer.” I said then he looked at me closely. Parang kinakabahan siya.

1, 2, 3, 4, 5...

“HAHAHA...” nagtawanan kami. Ang seryoso kasi.

“Hey, don’t look so stiff.” he said.

Main ChickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon