Chapter 7: Ishmael

7.6K 268 5
                                    

"Sir, Mr. Sarmiento just called for a dinner meeting with you by 8pm this evening at the La Filipina én France Restauréant." bati sa akin ni Anna pagkabukas niya ng pintuan. "O ha! Kuha ko yung pronounciation nung bonggang restaurant na kakainan niyo. Pa-take out ha?"

"Hala, grabe siya, dinner meeting nga 'di ba ibig sabihin, may pagkain man, hindi rin lang namin makakain 'yon dahil sigurado akong mga reports at strategies lang pag-uusapan namin dun kasama ng ibang mga COM." sagot ko.

"Well, since ako na rin ang pina-book ni Sir Sarmiento ng dinner niyo, table for two lang ang sabi niya. Baka naman mapo-promote ka na bes, este, sir!" excited na saad ni Anna.

Kung iisipin, maganda naman ang track record ko sa trabaho: halos sa mga holidays lang ako hindi pumapasok, yung branches na hawak ko ang ilan sa mga top performing branches ng kumpanya, at sa mga major events namin ay malaki ang bahagi at naitutulong. Malaki ang posibilidad na tama nga si Anna na promotion ang kahahantungan ng "dinner meeting" na ito, from Chief Operations Manager ay maari akong maging isang Over-all Manager na rin o pwede ring ipasok na rin nila ako sa administration, kung ganun man sila nagandahan sa performance ko.

"Let's just wait and see, and while we're waiting, paki send na ang mga papers na ito sa mga designated departments, napirmahan ko na ang mga iyan and after, pakitimplahan na rin ako ng kape." utos ko sa aking secretary.

"Yes sir."

Natapos ang work time at on the way na nga ako sa La Filipina para sa dinner meeting na ito. Nagtaxi na ako kahit may kamahalan dahil pagod na rin ako sa mga hinarap ko kanina sa opisina at wala na akong energy pa para mag commute. Sa kalagitnaan ng biyahe ay nakatanggap ako ng text mula kila Gerald at Anna.

From
Anna: God bless bes! Malakas-lakas talaga ung pakramdam kng promotion na yan!!! 😄😄😄 I'm xpectng a blow out afterwards ha.. 🎉😂🤣😂🤣

From
Gerald: Bnalita sakin ni Anna na promoted ka na daw! 😮 Congrats bro! 👏👏👏 U deserve it... 😉 Blowout a, ba2wiin ko nmn ung nilugi mo sa ipon ko nung huli tayong lumabas 🤑

Tignan mo itong si Anna at talagang "promoted" na ang sinabi kay Gerald e hindi pa nga namin alam kung bakit ba ako pinatawag ng Secretary to the COO ng kumpanya namin.

To
Anna: Salamat bes. Pero gaga, bkit nmn "PROMOTED" na agad ang sinabi mo kay Gerald? 😤 baka mausog pa kng promotion nga tlaga ito... 😂🤞

To
Gerald: Tnx bro... 😙 Pero hnd p nmn tlga sure kng promotion b ang ganap or bka simpleng meeting lng... Basta, lets jst hope 4 d best 😊🤞🤞🤞

"Andito na po tayo ser." biglang sambit nung driver kaya naman matapos kong i-turn off yung phone ko ay binayaran ko na yung fare ko at tinungo ang formal restaurant na meeting place namin ni Sir Sarmiento.

Ang La Filipina én France Restauréant ay isang fine dining restaurant kaya naman heto ako ngayon at naka tuxedo. Filipino and French fusion ang dating ng mga pagkain dito na pumatok naman sa mga patrons nito. Magaling din naman kasi ang concept ng mga pagkain nila sapagkat ang mga Pinoy dishes sa menu nila ay niluto ala French style at ang mga French foods naman ay niluto ala Pinoy style kaya naman iba rin talaga ang dating.

"Magandang gabi po monsieur! Did you have a reservation or would like to wait for a table?" Bungad sa akin ng doorman.

"Kindly check for a reservation for either Mr. Sarmiento or Mr. Basa. Thank you." paki-usap ko. Nakalimutan kong itanong kay Anna kanina kung kanino niya pinangalan ang reservation na ginawa niya.

"Well monsieur, we do have a reservation for 2 under Mr. Basa." sagot ng doorman matapos niyang i-check ang kanyang list. "Kayo ho ba si Mr. Basa?"

The New SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon