"Ishie, ikaw na muna ang bahala sa office. Hatid lang kita sa company then I'll need to go to lolo's house. Gusto daw niya akong kausapin." pagbabasag ni Rex sa katahimikan sa loob ng kotse.
Sa totoo lang, hindi naman uncomfortable silence yun. More of a companionable silence. Halos kalahating-taon na rin kaming magkasama ni Rex, at sa tagal nun, masasabi kong comfortable na nga siguro kami sa isa't-isa. Madalas ay nakikinig naman na siya sa mga pangaral ko, at karamihan sa mga ito ay sinusunod na rin niya.
Madalang mo nang makita si Rex sa mga high-end clubs partying with the elite. Paglalabas man ito ay sila Evander na lang ang kasama sa bar ni Albert. Kung hindi naman, bumibisita na lang ito sa bahay nila Rose o kaya naman ay sa kanyang lolo.
"Anong meron at pinatawag ka niya?" tanong ko.
"Beats me." sambit niya sabay kibit ng kanyang mga balikat. "Ngayon nga lang siya ulit nag-imbita sa bahay e. Ano nanaman ba sinabi mo sa report mo? Good boy naman na ako a!" pag-aakusa sabay depensa ni Boss.
"Wala naman akong masamang sinabi sa report ko. FYI lang Rex, good news na mga nirereport ko sa lolo mo. Malay mo naman, pinatawag ka niya para sabihing pasado ka na sa mga standards niya para gawin ka nang CEO ng kumpanya. At kung gayon man, edi matatapos na rin yung kontrata ko, magiging libre na tayo mula sa isa't-isa." maengganyo kong pahayag.
Screeeeeeeeeeeeeeeeeecccchhhhhh!!!
"Rex! Ano ba! Dahan-dahan naman sa pagpreno!" bulyaw ko. Pano ba naman, bigla na lang siyang nagpreno, mutikan tuloy ako muntog sa dashboard ng kotse. Buti na lang naka-seatbelt kami pareho dahil kung hindi, malamang malaking aksidente na ang naganap.
"Anong sabi mo?" tanong ni Rex.
Siraulo ba ito? Ano, siya pa itong shocked sa pangyayari e siya naman itong driver.
"Ang sabi ko, bakit ka naman bigla kung mag-preno? Ang linis ng kalsada e. Bakit, may pusa bang biglang tumawid?" usisa ko habang sinisilip-silip ang gilid ng kalsada at hinahanap ang lintik na pusa, kung meron man.
"Hindi yun! Bago yun, ano yung sinasabi mo kanina? Yung tungkol sa kontrata mo."
"Aahhh... Well, ang usapan kasi namin ng lolo mo, sa oras na magtino-tino ka na, ipo-promote ka na niya bilang CEO ng kumpanya, at ako naman ay babalik na sa branch na dati kong hawak. O, masosolo mo na rin ulit yung condo mo, makakapag-uwi ka na ulit ng chicks mo. Hehehe..." dagdag kong biro. "Pero Rex ha, wag namang araw-araw! Pag ikaw nakita ko ulit na laman ng mga tabloid, naku, kakastriguhin talaga kita!"
...
...
...
Aba, tahimik ang mokong...
"Huy, ano na? Sa'tin ang kalsada? Larga na Rex at nang hindi ako mahuli sa pagta-time in." saad ko sabay tingin sa kanya.
Medyo gulat ako dahil nakatingin pala siya sa akin ng seryoso. Medyo kinilig, este, kinilabutan ako ng slight kasi iba ang pagtingin niya ngayon sa akin.
Sanay na ako sa mga mapang-asar niyang titig, o kaya ay yung naasar o naiinis niyang pagtingin. Andyan din yung parang batang nagtatampo na minsan ay may pag-irap pang kasama.
Pero ngayon, iba...
Parang...
...
...
...
Parang ano e...
...
...
...
Bakit parang....
...
...
BINABASA MO ANG
The New Secretary
General FictionNakahanap ng katapat ang isang ultimate playboy boss sa isang abide-by-the-book na secretary. Rex John Villar is every women's (and gays') dream guy: handsome, rich, powerful. Hindi ito lingid sa kanyang kaalaman kaya naman kaliwa't-kanan itong mak...