Chapter 39: Ishmael

6K 231 38
                                    

"Bes, sigurado ka bang ok ka lang?" may pag-aalalang tanong ni Anna. "Kasi kung hindi, ako na mismo magpapaliwanag kay Rex. Hindi na rin kami sasama ni Gerald sa island-hopping para dito na lang tayo sa may pools mag swimming."

"Ano ka ba Anna, huwag na. Kalmado naman na ako e. At saka ngayon pang sponsored itong adventure trip na ito, wag na nating palampasin." pag-a-assure ko kay Anna.

Kasalukuyan ay nasa may dalampasigan kami at hinihintay ang mga bangkang gagamitin namin sa hinandang island-hopping trip ni Toff. Kasama namin sila Albert, Rex, Kristoff, at maging si Tita Clarisa. Kasama din sana sila Evander at Rose, pero dahil sa panganganak ni Rose kagabi ay nagpaiwan na rin si Evander para matutukan ang kanyang mag-iina.

Ayoko namang maging dahilan para hindi ma-enjoy ng mga kaibigan ko ang pagkakataong ito. Isa pa, pinaghandaan din ito ni Kristoff kaya ayoko rin na mauwi lang sa wala yung pinaghandaan niya nang dahil lang sa takot ko.

Maaga naman akong dumating dito kanina kaya kahit papano ay nahanda ko na ang sarili ko sa pag-suong namin sa dagat.

"Ok ka lang?" biglang tanong ni Rex na hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala.

"Oo naman, bakit naman hindi ako magiging ok?" sagot ko.

"Para kasing namumutla ka e. Ayan o, pinagpapawisan ka pa." saad niya.

"Ah, e, si-syempre magpapawis ako kasi mainit! 'Di ba Anna?" sagot ko sabay titig kay Anna na nagsasabing sumang-ayon na lamang siya.

"A-ahhh, oo, oo! Amg init nga, whew! Babe, pahingi naman kami ni Ishie ng tissue." pagsakay ni Anna sa palusot ng kaibigan.

"O, eto." tugon naman ng kanyang boyfriend.

Pero bago pa man maibigay ni Anna ang tissue sa akin ay naramdaman ko na lang na may pumupunas na sa mga pawis ko.

Si Rex!

Natulala at nanigas na lamang ako sa pwesto sa dahil sa biglaang ikinikilos ni Rex. Pagkatapos punasan ang aking pawis ay inayos pa niya ang panyong pinamunas niya sa akin at ginawang bandana. Siya na rin ang nagtali nito sa aking ulo.

"Parating na yung bangka!" anunsyo ni Kristoff. "Oy Rex, Gerald, tulungan niyo nga kaming ayusin yung mga gamit dito. 'Wag puro landi ang inaatupag, lalo ka na Rex!" pahabol na pang-aasar ni Toff.

Nakita kong inirapan lang ng mata ni Rex amg patutsada ni Kristoff. Ngumiti lang siya, hinaplos ang aking ulo, tapos umalis din kasama si Gerald para tulungang ayusin yung mga gamit namin na isasakay sa papalapit na bangka.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

At ako? Ito, na-estatwa na.

"Hoy! Gumalaw ka naman diyan bes!" saad ni Anna sabay batok sa akin. "Ano yun, ha? Ipaliwanag mo kung ano yung nakita ko kanina!"

"H-hindi ko rin alam bes." tuliro ko pa ring banggit.

Bigla kong naalala ang mga katagang binitawan ni Rex kagabi.

"Pwede bang hayaan mo muna akong iparamdam ito sayo, itong nararamdaman ko?"

Ito na ba yung sinasabi niyang iyon?

"E kagabi, sa'n kayo pumunta?" usisa ulit ni Anna. At dahil alam kong hindi na niya ako titigilan ay sinabi ko na sa kanya ang mga nangyari kagabi.

"O. M. G!!!! As in oh my gosh tologoooooo!!! Sabi ko na nga ba e! May gusto sa'yo si Rex!!!" kilig na kilig na banggit ni Anna.

"Yun na nga, bakit? I mean, ako, magugustuhan ni Rex?"

"Alam mo ang nega mo! Hindi ba pwedeng kiligin ka na muna? Duda agad!"

The New SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon