Chapter 3: Rex

9.2K 310 13
                                    

"Um, yung bowtie mo tagilid." nahihiyang puna ng partner ka na bride's maid.

"Ganun ba? Pwede ikaw nalang mag-ayos para mas matuwid mo yung bowtie ko?" pakiusap ko sa kanya sabay ngiti. Ayun, namula si miss! Hehe...

"Si-sige." utal niyang sagot.  Medyo kailangan kong yumuko para lang maabot niya yung bowtie ko. Petite kasi na babae itong partner ko. Pinsan ata ni Rose. Ramdam kong nanginginig pa yung kamay niya habang inaayos yung bowtie ko. Halatang virgin. Hahaha...

"A-ayan. Ma-maayos na." sabi nito at ngumiti. Cute din naman siya. Hawig kay Rose.

"Brad, wag mo na ituloy na pormahan yang si Joana. Babaugin ka lang ni Rose." hithit ni Albert na napansin kami.

"Gago! Takot ko naman kay Rose no!" sagot ko naman kay Albert. Pansin ko na namula lalo itong si Joana.

"Pagpasensyahan mo na yung unggoy na yun. Binigyang malisya pa yung pagmamagandang loob mo." paumanhin ko sa kanya.

"A-ayos lang yun." tipid niyang sumbat. "Marami din akong narinig na babala mula nang malaman nilang ikaw makakapareha ko sa kasal ni Ate Rose. Kesyo baka daw hindi pa mag-uumpisa ang kasal e baka unahan mo pa sila ng honeymoon. Kailangan ko nga bang mangamba?"

Nung narinig ko ang mga salitang iyon ay halo ang naramdaman ko: gulat, inis, hiya. Ganun na ba ako kawalang-hiya sa paningin ng iba? Medyo apektado man sa mga nasabi niya ay hindi ko nalanh ito pinahalata sa kanya at tumawa nalang ako.

"Hahahaha.... Wag kang mag-alala, good boy ako ngayong araw. Wala ka dapat ikabahala." sagot ko sa tanong niya. Nandito ako sa kasal nila Evander at Rose bilang isang matalik na kaibigan hindi bilang isang playboy o party animal.

"PLACES EVERYONE!!! PLACES!" malakas na sambit nung isa sa mga organizers na toka ata sa bridal entourage."Handa na ang bride, magsisimula na ang prusisyon."

Umayos na nga kaming pumila at nagmarcha. Kung kaninang pagdating ko ay maganda na ang wedding site, ngayung tapos na lahat ng mga decorations, naku, mas gumanda pa ito? May mga pabitin nang ilaw at ang papalubog na araw sa dagat ang nagsisilbing backdrop ng lugar. Kailangan kong kunin ang number ng mga organizer ng kasal para kapag ako naman ang ikasal (kung sakali lang naman nais ko nang magpatali, hehehe) e nais ko ring ganito yung feels.

Tapos na ang entourage at ang bride na ang nasa dulo ng aisle. Ibang klase talaga ang ganda ni Rose! Kung simpleng ayos palang ay litaw na ang kagandahan niya, ngayong naka wedding gown pa siya at ayos na ayos ay mala-diyosa na siya kung pagmasdan!

Kinanta na nga ng wedding singer ang awit na "Ikaw" ni Martin Nievera at nagsimula nang naghakbang si Rose. Napatingin ako kay Evander at nakita ko ang labis na kasiyahan sa mukha niya. Napapa-iyak na nga siya e. Haha... Picture! Hahaha... Itsura ng mokong!

Matagal din naman kasing may gusto si Van kay Rose. Highschool palang kami ay crush na niya ito, 'di nga lang niya pinormahan. Umabot din ang katorpehan ng kaibigan namin ng ilang taon hanggang sa naka-graduate na kami ng college. Agad namang nakuha sa trabaho si Evander dahil sa masipag na ang mokong, matalino pa kaya naman cum laude siyang nagtapos.

Nang maayos-ayos na ang kita niya ay dun palang siya nagsimulang manligaw kay Rose. Tinanong nga namin kung bakit noon lang siya pumorma sa babae."Alam niyo namang hindi kasingyaman ng pamilya ko ang mga pamilya niyo. Ang perang ibinibigay sa akin ng mga magulang ko ay sapat lamang para sa pag-aaral ko noon. Ngayong kumikita na ako ng sarili kong pera, ayun, pwede ko na siyang ligawan dahil di naman natin maitatanggi na kailangan at kailangan ng salapi para manligaw ng babae. Pride ko na rin na hindi ko hinihingi sa mga magulang ko ang ginagamit ko sa panliligaw kay Rose." Yan ang sagot sakin ni Van noon. At magmula noon ay tumindi na ang respeto at paghanga ko sa kaibigan kong si Evander.

"Do you, Evander Garin, take Rosalinda Cabrera to be your wife in si-" tanong pa sana ng pari pero agad nang sumagot si Evander.

"Yes Father."

"Ano ka ba, patapusin mo naman si Father." puna ni Rose sa mapapangasawa.

"E sa gusto ko nang sa parteng kiss the bride na tayo e." sagot naman ng lalaki. Dahil dito at nagsitawanan ang mga bisita.

"Hahaha... O siya, ikaw Rose, do you take this ma-" tanong ulit ng pari.

"Yes Father." agad na sagot ni Rose sabay taas ng kanyang traje de boda at hila kay Evander gamit ang necktie nito at hinalikan ito sa labi.

Gulat ang lahat pero matapos din ng saglit ay nagtawanan, hiyawan at palakpakan ang mga bisita.

"Well, I see that you have now kissed the bride, or in this case the groom and so I now pronounce you husband and wife!" hirit ng pari na siyang ikinatawa ulit ng mga bisita.

"That's my girl!" hiyaw ko sa mag-asawa na hanggang ngayon ay di parin natigil sa halikan.

"Hoy Van, tama na yan, ano to?  Sasali kayo ng Guinness na pinakamahabang kiss-the-bride?" suway ni Albert.

Thumbs up lang ang sagot ng loko. Hahaha....

The New SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon