Chapter 34: Ishmael

5.9K 217 6
                                    

"ISHIIIIIIIEEEEEEEEEEEEEEEE!!!!" matinis na sigaw ng isang pamilyar na boses babae.

"Anna, huy! Maghunos-dili ka nga! Ang lakas-lakas ng sigaw mo, nakakahiya sa ibang mga bisita." suway ko sa bespren kong pinaglihi na ata talaga sa mikropono.

"Oo nga naman babe. Tignan mo, pinagtitinginan tuloy tayo." segunda ni Gerald habang buhat-buhat yung mga bag nila ng girlfriend niya.

"Grabe ha, hindi niyo rin naman pinapangalandakang magjowa kayo ano?" puna ko sa dalawa. Pa'no naman kasi, magsuot ba naman ng matching outfit! Pareho silang nakasuot ng puting shorts, habang matching na navy blue and white stripes ang suot nilang pangtaas: shirt kay Anna habang sleeveless kay Gerald.

"Bawal bes? Bawal? Ngayon na nga lang ulit tayo nagkita tapos bitterness pa ang isasalubong mo sa amin?" buryong sagot ni Anna.

"O s'ya. Sorry na po. Nakakasuka naman kasi ang ka-cheesy-han niyo. Lumevel up pa magmula nang naging mag-fiancé kayo."

"Hahaha... Bakit 'tol, inggit ka?" pang-aasar ni Gerald. "Wala pa bang duma-da moves sa'yo?"

Sasagot na sana ako nang sumabat si Anna.

"Pa'no naman kasi may poporma diyan e mas mataray pa yan kaysa sa sinong babae? Alam mo bes, kung may remake man ang 'Princess Sarah,' ipepetisyon ko talagang ikaw ang gawing Miss Minchin. Mas mataray ka pa kesa kay Jean Garcia sa role na yun e! Hahahaha..." pang-aasar ni Anna.

"Ah gano'n? Simulan natin ngayon, gusto mo bes? May chiminea sila dito e. Halika at ikukulong kita do'n!" sagot ko naman sabay hablot sa kamay ni Anna.

"Hoy! Bitawan mo nga ako. Ishie!!!" pagpupumiglas ni Anna, habang umiiling na tumatawa-tawa lang si Gerald.

"Sabi ko na nga ba't ang tambalang Ishmael at Anna nanaman ang gumagawa ng ingay na yun e." pahayag ni Rex habang naglalakad papalapit sa amin. Sumusunod naman sa likod niya si Tita Clarisa.

"It's good to see this side of yours Ishmael." saad naman ni Tita Clarisa.

"Ay, hello po, Sir Rex, ma'am." bati ni Gerald.

"Hey, none of that! For the duration of our stay, I'm just Rex and this beautiful lady here is Tita Clarisa." pagpapakilala ni Rex.

"Pag may narinig akong magsambit ng 'ma'am' sa inyo, papauwiin ko agad." mapaglarong banta ni tita na itinawa lang namin.

"Bale tita, sila po pala yung mga kaibigan ko, si Anna, at si Gerald." pagpapakilala ko. "Mga kaklase ko po sila nung college, well, si Anna po yung kaklase ko, at nakilala ko naman po si Gerald nung naging sila na. Anna was my secretary when I was still managing 3 of the clothing stores of Rex's company. As of the moment, siya na po yung namamahala sa 3 stores na yun while I am employed as Rex's secretary. Si Gerald naman po ay isang engineer sa partner company po ng kumpanya."

"Wow, quite the successful bunch you three are!" puri ni tita.

"Naku, ma'- este, tita. Wala pa po kami sa kalingkingan ng success niyo! Magsusumikap talaga ako ng bongga para balang-araw, malagay din ako sa cover ng magazin at mabansagang ano, um, hmmmm, ah! 'Belle of Business Industry' ganern!" saad ni Anna na may pa-posing pang nalalaman.

"Hahahaha.... I like you Anna. And I know na maaabot mo ang pangarap mo na yan." masayang sagot ni tita.

"Why don't we continue this conversation inside? Ihatid ko na rin kayo sa cottage niyo." pagpresenta ni Rex.

"Ako na lang maghahatid sa kanila Rex at para makakwentuhan at makilala ko rin itong mga kaibigan ni Ishmael. Why don't you two stay and wait for Rose and Evander? Malapin naman na daw sila e." saad ni Tita Clarisa. Tumango na lamang si Rex, at sumunod naman sila Gerald at Anna kay tita. Hindi pa man sila nakakalayo ay dinig ko na agad na kinu-kwentuhan na ni Anna si Tita Clarisa.

The New SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon