Chapter 37: Rex

5.3K 265 8
                                    

OH MY GOSH!!!

I can't believe na umabot na pala tayo ng 12k reads!!!! 😢😢😢

Thank you guys!

Khap khun krup! 🙏🙏🙏

_____________________________________________

"Oy, Ishmael, wait!" saad ko sabay habol kay Ishmael.

Derecho lang ang tingin ni Ishmael, he's ignoring me.

"Huy, bakit? Kinilig ka ba sa hirit ko? Hehehe..." sabi ko habang pinipigilan siyang makarating sa venue nung program.

"Bitawan mo ako Rex."

"Umamin ka muna."

"Ano namang aaminin ko aber?"

"Na kinikilig ka sa akin. Ayan o, namumula ka!" I pointed out. I can clearly see him blushing. He can't even look me in the eye.

These gestures of Ishmael gives me hope, hope that he also has feelings for me. I mean, hindi ka naman siguro maapektuhan ng mga hirit na ganun kapag wala kang nararamdaman sa isang tao diba?

"Oy, Rex, Ishie, sa'n na kayo? Kayo na lang kulang dito o! Hindi namin masimulan yung laro kasi wala kayo, uy!" biglang anunsyo ni Toff.

Bwisit talaga itong pinsan kong ito e! Palaging wrong timing.

Kumaripas agad ng takbo si Ishmael kaya naman sumunod na lang din ako.

"O, ayun. Hoy, sa'n kayo galing ha? Ha?" mapang-asar na tanong ni Toff. Kailangang i-mic talaga yung tanong?

"Ay, ayaw sagutin. Anyway, kayo ang huling pares para sa huling laro natin for the night. "

Napatingin ako kay Ishmael.

"Kailangan ba talagang sumali dito?" tanong niya.

"Oo naman Ishie! Wala kaya kayo sa lahat ng laro namin kanina. Kaya dapat, dito, sumali naman kayo. Besides, it's only a simple game. Mabilis lang 'to Ishie." sagot ni Kristoff.

Linapitan ko si Ishmael.

"Hey, sorry kanina. If ever you felt na nabastos kita, I'm sorry. I was just... I..."

"Rex, hayaan mo na yun. Let's just get this over." Ishmael stated monotonously.

Tinanguhan ko na lang si Toff kaya naman pinaliwanag na niya yung mechanics nung laro.

"Ok, so this is actually an eating contest, pero by pair nga lang. Alam niyo yung PicPoc Challenge?" nakangising sambit ni Toff.

Shit ka Toff, ngayon pa talaga?

Kahit kailan talaga wrong timing ka!!!

Kung yung mga kasama namin ay natatawa lang sa anunsyo ni Toff, halata namang tensyonado kami ni Ishmael.

"Pero, instead of PicPoc sticks, we'll be using  wafer sticks instead, para mas may challenge!" anunsyo ng loko.

Damn! Mas mahirap nga, since a wafer stick is more brittle than that of those PicPoc sticks.

"Ok, so now, face your partners." anunsyo ni Toff.

Humarap ako agad kay Ishmael.

Aaminin ko, kinakabahan ako. I mean, this game might lead us to accidentally kiss each other.

But I know that with Ishmael's state at tge moment, hindi ko dapat ito samantalahin. Isa pa, ayokong maging sanhi lang ng isang 'aksidente' ang aming unang halik. Gusto ko, pareho kaming magnais sa halik na iyon.

The New SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon