Chapter 1

116 11 11
                                    

Ella's POV

Here I am lying in the most romantic place I've ever been with someone I love. Walang iniintinding problema masaya lang at gustong gusto ko ang pakiramdam na ito.

Parang dinuduyan ako ngayon sa sarap ng simoy ng hangin habang nakatingin sa langit at umuulan ng meteorite.

Pakiramdam ko panatag ang lahat ng nasa paligid kapag palaging nakapatong ang ulo ko braso nya at i feel safe sa ano mang parating na problema kapag nakayakap ako sa kanya.

I love watching meteor shower,
Namamanghang bulong ko at nilingon ko siya. Sana ganito nalang tayo palagi ikaw na nasa tabi ko at masayang pinagmamasdan ka.

Dahan dahan niya akong nilingon hanggang magtama ang aming mga mata. Ang mata niya ay nagiisparkling sa saya habang nakatingin sakin.

Ang mga labi niyang  mapupula ay nakangiti sakin na para bang nakikiusap na padampi naman kahit saglit lang.

Di ko kayang umiwas sa mga tingin niya sakin. Para bang nagsasalita ang mga ito. Kahit na hindi ko man nariririnig ang sinasabi nito damang dama ko naman ang bawat pangungusap ng mga mata niya.

Yumuko siya para magpantay ang aming mga ulo habang nakatingin pa rin ang mata niya at di man lang kumukurap. Dahan dahan niyang inilalapit ang mukha niya sa mukha ko hanggang mapunan niya ang namamagitang distansiya.

Ito na ba ang first kiss ko lord, kinikilig na sabi ko sa isip ko.

Inches nalang ang pagitan ng ulo namin dahilan para maghanda na ako at ipinikit ko ang mga mata ko bilang sign sa kanya na ready na ako.

Ramdam ko na ang bawat paghininga niya. Ang bango ng hininga niya na amoy mint pa.

Lord ito na.

Ayan na... Ayan na....

Dug dug, dug dug, dug dug, dug dug, dug dug, dug dug, dug dug, dug dug, dug dug.

Mag exercise tayo tuwing umaga, tuwing umaga 2x para ang katawan natin ay sumigla🎶.

Mag exercise tayo tuwing umaga, tuwing umaga 2x para ang katawan natin ay sumigla🎶.

Mag exercise tayo tuwing umaga, tuwing umaga 2x para ang katawan natin ay sumigla🎶. Alarm ng phone ko.

6:00 am
Saturday

Nagising bigla ako sa alarm ng phone ko dahil sa lakas nito.

Agad kong kinapa ang cellphone ko na nasa tapat ng tenga ko, itinurned off ang alarm at inilapag sa besides table ko. Nakatulugan ko na naman pala ang bestfriend kong si Mei habang kausap sa kabilang linya. Siguro galit na naman yun dahil nakatulugan ko. Kasalanan ko ba kung napagod ako sa trabaho?

Tulala pa rin ako dahil sa naiudlot na panaginip ko. Pilit na inalala ang nangyare.

I was about to kiss and then.....
Tumunog ang phone ko. Bulong ko sa sarili ko

Pilit kong inalala yung nangyare sa panaginip ko step by step pero blurred yung mukha ng lalaki sa panaginip ko pero malinaw ang pagkakasunod na pangyayare.

I Love You Just The Way You AreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon