Ella's POVMag exercise tayo tuwing umaga, tuwing umaga 2x para ang katawan natin ay sumigla🎶.
Mag exercise tayo tuwing umaga, tuwing umaga 2x para ang katawan natin ay sumigla🎶.
Mag exercise tayo tuwing umaga, tuwing umaga 2x para ang katawan natin ay sumigla🎶.
Shit!
Di ko napalitan ang ringtone ko.
Kinapa ko ang cellphone ko na ipinatong ko sa beside table ko.Gamit ang isang mata, pinatay ko ang ringtone at ibinalik ito sa table. Nang imulat ko muli ang mata ko narealise ko na wala si Mei sa kama niya. Agad akong napabangon sa pagkakahiga.
Mei? Tawag ko sa kanya.
Hinanap ko si Mei sa buong kwarto namin, kahit iika ika ako sa paglalakad at ang mga mata ko ay kalating sarado at kalahing bukas. Tinignan ko rin ang comfort room pero wala siya.
Bumalik ulit ako sa kama ko para maupo dahil wala pa sa kondisyon ang katawan ko para gumalaw galaw.
Nasaan kaya siya? Bakit hindi niya ako ginising? Oo nga pala simula pala ng malaman niya na may ganitong program hindi na siya mapakali sa sobrang excited. Malamang nauna na siya sa baba. Si Mei talaga pati Bestfriend iniwan sa sobrang excited. Makaligo na nga.
Parang nahawa ako bigla kay Mei ng pagkaexcited. Pagpasok ko sa comfort room dali dali akong naghubad ng pandyama at binuksan ang shower. Napatalon ako sa lamig ng tubig dahil di ko napansin na may heater pala sila dito.
Dahil shirt lang ang susuotin pangitaas at medyo malaki sakin, hinila ko ito papunta sa likod ko at inikot pabilog para maging fit sakin tignan. Ang napiling kong ipartner sa suot kong shirt ay high waist jeans at rubbershoes and I also put on some blush on and lite lipstick. I blowered my hair too just to show case my long brown wavy hair.
Hi Rowella, bati sakin ng grupo ng mga lalaki na schoolmate ko habang naglalakad ako sa hallway papunta kung saan kami nagdinner kagabi.
Ganda niya talaga bro!
Ang sexy pa!
Kapag si Rowella naging gf ko pre, pakiramdam ko ako na ang pinakaswerteng lalaki sa mundo.
In your dreams bro. Alam ko study first yan si Rowella kaya wag na kayong mangarap.
Hi? Have you seen Mei?
Uy! Bro nakita niyo ba?
Hindi ehhh.
Ka..... Kanina parang lumabas siya. Suot niya na kase yung susuotin natin kaya napansin ko siya. Ang aga niya nga ehh.
Okay thank you, ngiti ko sa kanila.
No problem, Rowella, kindat ni Schoolmate #1 sakin.
Welcome Rowella, nakangiting sabi ni Schoolmate #2.
Para sayo! Malakas ka samin ehh. Magandan na! Matalino pa!
Hindi naman, sige I'll go a head, ngiti ko sa kanila.
Woahhh bro mahihimatay na ako!
Lumabas ako ng hotel at nakita ko si Mei na naglalakad kaya nilapitan ko siya.
BINABASA MO ANG
I Love You Just The Way You Are
Novela JuvenilNakakita ka na ba ng nangangalakal? So anong itsura? Marumi? Dugyutin? Maitim? At higit sa lahat Mabaho! Kung paano sabihin ko sa inyo na nagkakamali kayo? Meet Rowella Dela Cruz the Syosyalerang Campus Crush/ Secretly kalakal girl. Yes! You rea...