Chapter 22

4 0 0
                                    

Rowella's POV

Thank you Clarence, pasasalamat ko sa kanya.

Take care, ngiti niya sakin at saka sinarado ang bintana ng kotse niya.

Pinanood kong umalis ang sasakyan ni Clarence habang habang winawagayway ang aking kamay at pagkaalis niya sumakay na ako ng bus bilang nakasanayan ko na umupo ako banda sa may bintana at pinanood ang mga nadadaan kong lugar.

OM..... totoo ba ito? lahat ba nang ito ay nangyare ng isang araw lang?? Hindi ako makapaniwala. Niyaya niya akong kumain sa mamahaling restaurant. Hindi ko parin maitago ang ngiti ko hanggang ngayon. Kanina ko pa sinusubukang umarte ng normal at hindi ipahalata ang sayang nararamdaman ko. Sobrang masaya ako ngayon pero bakit may lungkot parin akong nararamdaman. Sobrang saya dahil sa wakas napansin niya na ako, siya na ang gumagawa ng paraan para magkita kami tapos ngayon magkaibigan na kami. Malungkot kase alam ko sa sarili ko na may nararamdaman ako para sa kanya at alam niya yun sinabi ko mismo sa kanya. Alam kong hindi niya kaya ibalik sakin ang nararamdaman ko para sa kanya at masakit para sa akin iyon sinubukan kong iwasan siya pero mahirap buong araw ko siya naiisip at minsan nahuhuli ko ang sarili ko na may ginagawa nga ako pero siya parin ang iniisip ko. Wala ng ibang rason para iwasan siya ngayon at mukhang hindi ko na magagawa yun. Sabihin na natin na hindi kami naging magkaibigan pero meron parin rason para magkita at magusap kami at isa na doon ang project na binigay samin ni Dean na kailangan namin gawin ng magkasama at saka iisa lang ang aming pinapasukan na paaralan kaya hindi ko maiiwasang magkita kami palagi. Ang mahalaga ay magkaibigan na kami at sa ngayon totoong masaya na ako doon.

Ang dami ko palang Bitbit pauwi yung luggage ko at mga pasalubong ko kila jenny at tita, tingin ko sa mga gamit ko na nakalagay sa kabilang upuan na binayaran ko rin.

Finally Dito na ako sa subdivision at malapit ng maggabi. Nilakad ko lang ito papasok habang hatak hatak ang luggage ko at bitbit naman sa kabilang kamay ang mga pasalubong ko.

Jenny, tawag ko kay Jenny habang inililibot ang mata ko at pinatong ko sa sofa ang mga pasalubong na dala ko.

Ate! sigaw ni Jenny habang pababa ng hagdan.

Jenny!! Sinalubong ko siya at niyakap siya ng mahigpit. Kamusta ka dito?? tanong ko sa kanya.

Ok naman ako ate, sabi niya sa tenga ko at hinigpitan pa ang yakap niya sakin. Namiss kita, naluluhang tono niya.

I miss you, bitaw ko sa yakap namin para makita ang mukha niya at halata sa mukha niya ang lungkot at saya.

Don't be sad na ate is here na,sabi ko sa kanya at pinunasan ang luha niya. May pasalubong ako sayo, masayang sabi ko sa kanya at kinuha ang pasalubong at binigay sa kanya.

Wow, ate ang dami, namamanghang sabi niya at binuksan agad ang lalagyanan ng pastilyas. Sakin lahat ng ito?

Oo naman, masarap ba??

hmmm, tango niya. The best ka talaga ate yakap niya ulit sakin.

Napansin ko na kahit wala ako malinis ang bahay pati ang refrigerator ay puno ng pagkain. Kailangan kong magthank you kay Tita for taking care Jenny. Siguro nasa work pa siya kaya nagluto na muna ako ng kakainin namin at inihain ito sa mesa sa mga anong oras man ay parating na si tita.

Oh, you're here!

Napalingon ako sa pinto at nakita si tita kaya naman dali dali akong tumakbo palapit sa kanya at niyakap siya.

Tita...... I miss you po, kahit ako di makapaniwala na masasabi ko kay tita ang nasabi ko kase madalas siyang istrikto at masungit samin kaya minsan hindi ko madalas masabi ang mga ganitong salita sa kanya. Thank you po sa pag alaga kay Jenny habang wala ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Love You Just The Way You AreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon