chapter 13

29 4 4
                                    


Ella's POV

Ughh... Why now!

Please come on buddy! We're halfway to the Village! You can do it!

Mom look, yung namamasura nageenglish.

Naku! Wag kang lumapit sa kanya baka baliw yan, sabi ng nanay sa anak niya.

What!!  Did they know that english is our second language?! Bulong ko sa sarili ko habang inaayos parin ang kadena ng sidecar ko. Hayss parentals now a days, imbes na turuan ang mga anak ng mabuting asal at gawi, tinuturuan maging matapobre!

Bahala na nga! Itutulak nalang kita hanggang sa paguwi. Tiyak mananakit ang katawan ko nito lalo na kapag may laman ka na.
Mali ka naman tiyempo ohhh! Kanina marami tayong nadaanan na bikeshop hindi ka nasira kung kailan malapit na doon ka naman tinupak!

Ohh! Mam Rowella? Ano pong nangyare sa sidecar niyo? Tanong sakin ng security guard ng village.

Natanggal po kase yung kadena ng sidecar ko.

Natanggal lang pala, kaya ko yan mam, nakangiting sabi ni manong at inayos ang kadena ng side car ko. Naipit lang pala, ayan ayos na ulit.

Super thank you po manong, ang akala ko uuwi na ako na tulak tulak ang sidecar ko. Abot tenga ang ngiti ko ngayon dahil sa naayos ni manong ang sidecar ko. Manong hulog po kayo ng langit!

HAHAHAHA, hindi naman po mam, ang totoo niyan kayo ng pamilya mo ang hulog ng langit sa akin. Kaya sana kapag may kailangan ka mam wag po kayong mahiyang lapitan ako.

Ah... Manong? Pwede po ba manghingi ng favor?

A... Ano po yun mam?

Pwede po ba wag niyo na akong tawaging mam at  rowel nalang po ang itawag mo sakin?

Kita kay manong ang pagkalito dahil sa sinabi ko. Ba... Bakit naman po mam?

Ahm.... Kase po may school mate po akong nakatira dito, baka po kase kapag narinig nila na tinawag mo akong Mam Rowella baka makilala nila ako.

Ah.... Alam ko na nahihiya ka na malaman nila na ganito ang ginagawa mo?

Parang ganun na nga po.

Dinampot ni manong ang basahan sa tabi niya at pinunasan ang kamay niya at saka ibinalik ang atensyon niya sakin. Alam mo anak malaman man nila o hindi dapat ang  gawin nila ay igalang at hangaan ka dahil yang ginagawa mo ay di basta basta. Mayaman ang pamilya mo noon at lahat ng gusto mo ay nakukuha mo at nakakamangha ang isang maganda at nanggaling sa mayaman na pamilya ay ngayon ay nangunguha nalang ng basura. Siguro kung nandito ang mga magulang mo sasabihin nila na sobrang pinagmamalaki ka nila dahil may anak silang responsable at sobrang mabait pa. Ipinatong ni manong ang kamay niya sa ulo ko at hinimas taas baba.

Manong pinaiiyak mo naman ako ehhh. Tinanggal ko ang shades na suot ko at pinunasan ang luha ko ng likod ng kamay ko.

Pero kung yun talaga ang gusto mo, sige ro... Rowel? Pwede bang anak nalang ang itawag ko sayo? Di ako sanay sa Rowel at parang panglalaki pa.

I Love You Just The Way You AreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon