C H A P T E R O N E

23 4 0
                                    

G A B R I E L L A' S P O V

Basa ako nung makaabot na ako sa bahay namin. Pano ba naman kase, naabutan pako ng ulan. Hayst kaya heto nagmamadali. Kakamadali ko muntik pa akong madigyas kanina! Hayst!

"Maaaa! Nandito na po ako!" sigaw ko pa. Lumabas naman kaagad si mama mula sa kusina at nagmano ako sakanya.

"Ang aga mo ata ngayon Raciana?" nakangiting sabi ni mama.

"Ma naman e! Sabing Gabby nalang po! Ang kulelat nung Raciana e! Tsk" ngisi-ngisi kong sabi kay mama sabay kamot sa batok ko. Tumawa lang ng kaunti si mama at bumalik na sa kusina.

Agad kong hinubad ang jacket ko. Linabas ko ang mga pitakang nakuha ko.

'Wag dito. Baka may makakita.'

"Ma! Akyat lang po ako nagbibihis po ako!" sigaw ko sabay takbo papunta sa itaas ng bahay namin. Hindi naman malaki ang bahay namin e. Kami ni mama't papa at ang dalawa kong kapatid si Pawpaw at Bogart lang naman ang nandito sa bahay. Maliit lang tong bahay namin. Sakto lang para samin. Pero kahit ganto, masaya naman kami e.

Pero sa saya namin, may problema pa din kami. Tutusin sa pagkain, sa bahay, sa pag aaral naming mga anak nila mama at papa, tapos nasa ospital pa si Pawpaw. Hays.

Nilock ko kaagad yung pintuan ng kwarto ko sabay upo sa may kama. Nilapag ko kaagad yung mga pitakang nakuha ko sa kama at isa isang tinignan.

"Shet ang gwapo. Teka—ito yung varsity player ng basketball! Yung rookie nila! Si ano—Oo tama! Si Dash!" bubulong-bulong kong sambit. Baka marinig ako patay tayo pag nangyare yun.

Ang bad ko naba? Hayst Lord. Patawad po talaga.

(_ _)

Tinuloy ko din ang pagtitingin sa iba pang pitaka hanggang sa isa nalang ang natira. Kanino naman kaya to?

Pagbukas ko palang... shet

Siya ba talaga tong nakuhanan ko ng pitaka?! Oh my ghad!

*tok! tok! tok!*

"Ateeee kakain na!" sigaw ni Bogart mula sa labas.

"Oo bababa na ako! Teka lang!"

Hinalungkat ko yung pitaka niya. Andaming id. Mga calling cards, atm cards, credit cards! Bwesit ang yaman talaga! Sakanya ba talaga tong nakuha ko?!

Sinara ko ulit yung pitaka at pinikit ang mga mata ko sabay bukas ulit.

Jusko! Sakanya nga tong pitakang to!

•••

Z I D' S P O V

"Oh my god Zid! Your such an asshole! Naghintay ako don ng 5 minutes tapos di ka man lang sumipot?!"

"Babe, 5 minutes lang naman yun! Nawala kase yung pitaka ko. So I have to find for it! You know how important my wallet is to me righ—"

"So you mean your wallet is more important than your girlfriend?! Then if thats the case, lets break up!" yun lang ang narinig ko mula sa kanya pero parang biniyak na ang puso ko.

"Cass!" tawag ko sakanya pero hindi niya man lang ako nilingon.

I loved her so much. I gaved her everything she wanted. Lahat para di niya ako pagsawaan. I thought everything was going smoothly between us but then now, I was dumbfounded. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Nasuntok ko yung kotse ko dahil sa galit na gumawa ng ingay sa parking lot ng campus school.

Just because na late lang ako ng limang minuto iiwan na niya ako?! Oh shet! Pero kahit anong galit ko hindi ko man lang kayang magalit sakanya. Im angry of myself because I didnt took care of the relationship I had. Hindi nga ba? Ako na nga halos lahat gumagawa e. Im trying to work things out between us kahit nahihirapan na ako! And now nanghihinayang ako! Fuck! I should'nt be worrying about her! Kaya ko siyang palitan! Iwan niya ko! Sige! Hinding-hindi na siya makakahanap ng iba. Kase nag iisa lang ako! Pota niya!

Agad akong pumasok sa kotse ko at pinaandar ito.

Bukas ko nalang hahanapin yung bwesit kong pitaka! Leche! Sobrang badtrip naman ng araw nato!

The Snatcher Who Stole My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon