C H A P T E R F O U R T E E N

22 2 2
                                    

G A B R I E L L A' S P O V

Lumipas na din ang dalawang buwan simula nung umalis ako sa bahay ng lalaking yun. Hindi naman ako nagsisi kahit di ko pa nakuha yung sweldo ko. Inaantay ko nalang ngayon kung tototohanin niya ba yung mga banta niyang ipapapulis niya ako. Tama na din naman siguro yung serbisyong naibigay ko. Ang linis na ng bahay niya nung pagdating ko pa lang. Alam kong inalipin niya lang talaga ako. And I hate that fact. Ni hindi nga ako inalipin ng mga magulang ko pero siya todo maka pag may ari. Pero kahit maliit para sakanya ang mga sakripisyo kung hindi umuwi at magpakahirap don sa mala empernong bahay na yun, ay atleast hindi naman ako pumalya. At sa loob ng dalawang buwan, hindi ko na nakikita pa ang mukha ng gagong yun.

Desisyon kong umalis. Hindi niya ako pinigilan. Bakit ipipilit pa diba?

Nandito ako ngayon sa school quadrangle may iaannounce daw yung principal ng skwelahan. Hindi ko alam kung ano, pero satingin ko about iyon sa mga magaganap ngayong buwan. Mag kakaron na kasi ng SportsFest dito. Parang intrams parin naman, chinaran lang yung event name.

Kung kanina'y halos yung mga membryo lang sa football team ang nakikita ko na naglalaro sa grass ground, ngayon, halos mapuno na sa dagsa ng mga estudyanteng nag sisidatingan.

Hindi pumasok si Sarah kase sasamahan niya daw yung mama niyang mag pa check up. Mag iisang taon na kase ang ubo ng nanay niya, di mawala-wala kaya napag desisyonan ni Sarah na ipakita sa ispesyalista ang ina.

Nakaupo lang ako sa may bench at tinataw ang mga taong sobrang busy sa mga kanya-kanya ginagawa. May mga nag uusap, may mga magjowang naglalandian, meron ding nagbabasa pa din ng sobrang kapal na libro. May iba namang selfie ng selfie, picture ng picture. Klase klase ang mga taong nandito. Pero isa lang talaga ang nakakuha ng atensyon ko.

Ang matagal ko ng di nakikita.

Tinitigan ko siya ng higit pa sa isang minuto, ng biglang lumingon siya sa dapit ko kaya tumingin ako sa ibang direksyon. Pinilit ko nalang na pagmukhaing wala akong nakita. Ayoko siyang makausap. Yung huling pagkikita namin ay hindi maganda. Ayoko na ding maungkat pa iyong pangyayareng iyon.

"Hoy Gabriella!" muntikan na akong tumalon at mapasubsub sa lupa dahil sa gulat ko ng may biglang nagsalita sa likod ko sabay tapik ng balikat ko.

Liningon ko kaagad yung tumawag sakin at napag alamang si Paula lang pala. Yung president ng student government ng campus. Magkakilala kami nito dahil member ako sa Council nila.

"Oy Paula! Oh bakit?" tanong ko kaagad sakanya.

"Buti nalang talaga't nahanap pa kita sa dami ng tao dito sa quadra! Pinagpapawisan nako! So heto di ko na patatagalin pa kasi may lakad din ako. May papapirmahan pa akong papers para sa upcoming programs natin sa kabilang building" ilang beses siyang nagbawi ng hininga. Ang taas pa naman ng sinabi niya. Ngumusi nalang ako.

"Pinapapunta ka ni Maam Pressy sa taas. Ewan ko ba kung bakit. May importante daw sasabihin." bigla niyang sabi sabay kalikot sa bag niya sabay labas ng mineral water.

"Huh ako? Bakit naman ako hinahanap ni Maam?" tanong ko pa.

Pero bago niya masagot yung tanong ko, nag ring yung phone niya kaya nag sign siya sakin ng 'wait-im-having-a-phone-call-biatch' look with matching 'wait' hand gesture.

"Hello po?—yes po maam...—Ah ganun po ba?— okay po! No problem!— thanks po" bigla siyang humarap sakin.

"I really gotta go Gab. Binago yung venue ng signing of papers eh. Ikaw nalang bahala pumunta kay maam okay?" Sabi niya.

"Oh sge. Baka mahuli kapa." ngumiti ako sakanya sabay tayo. Hindi na siya nakapag paalam ng maayos sakin pero nag wave siya. Siguro dahil sa pagmamadali niya. Tama nga yung mga usap usapan sa campus. She really deserves the throne. Being a Supreme Student Council's President. Nasa dugo niya ang pagiging responsable sa lahat.

Hindi na ako nagsayang pa ng oras at agaran na akong pumunta sa kung saan ang office ni Maam Pressy.

Pagkarating ko sa may pintuan na ng opisina niya ay huminga muna ako ng malalim bago ko pinihit yung pintuan papasok.

Ang ganda talaga ng opisina ni maam. Makailang beses na akong nakapasok dito pero hanggang ngayon na lulula parin ako. Magkahalong black and white terno ang color design ng bawat gamit dito. Yung ding-ding is purely white lang. It looks like a safe haven pag ako ang pasasabihin. Kahit ilang oras ako dito, magiging kampante ako.

"Hello, Ms. Ponce" nanlaki ang mata ko at agad na tumingin sa kung saan nanggaling ang boses.

Sino ba namang hindi magugulat na ikaw lang mag isa dito kanina tapos may biglang magsasalita. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa pangingirot nito. Huminga ako ng malalim maka ilang beses para mabawi ang hininga ko.

"Good morning Maam. Bakit niyo p-po ako po pinatawag?" halos manginig ang boses ko nung sambitin ko iyon.

Umupo siya sa kanyang silya at sinenyasan din akong umupo na din sa upuang kaharap nung kanya. Nakayuko ako at kinakagat kagat ang bibig ko. Nilaro-laro ko din ang dila ko para malibang ako sa nerbyos ko.

"I wont make this story long Ms. Ponce. Gusto kang makausap ng isa sa mga stockholders ng university. Mr. Marquez wants to speak with you" diretsong sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko ng walang pag aalinlangan.

"H-Ho? Bakit po? May naga—" kahit pa nanginginig ang boses kong sabihin iyon, nagawa ko pa din. Pero naputol ito ng may sinabi si Ma'am na nagpatigil sakin.

"Alam naman nating lahat na si Zid Marco ng Block 5 ang anak ni Mr. Manzano diba?" napatango ako doon sabay lunok.

Parang nabingi ako nung sabihin niyang...

"The boy needs your help"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 09, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Snatcher Who Stole My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon