C H A P T E R T H I R T E E N

14 1 0
                                    

T H I R D P E R S O N' S P O V

Nanlaki ang mga mata ni Zid sa babaeng kaharap. Hindi siya makapaniwalang pupunta dito si Cass gayon may hindi naman ito mahilig sa mga pormal na mga ganap.

"Oh? Hi Zid. Miss me?" may halong pang aasar ang pagkakasabi ni Cass nun. Hindi naman makapag salita ang binata. Para siyang napakong makita ang dating nobya.

Nasa isip ni Zid ang maraming katanungang naglalaro sa isip niya makailang araw na. Ano nga bang nagawa niya bat siya iniwan? Well, oo na late nga siya nun. But that doesnt count. Napaka walang kwenta naman ng rason nayan diba? Oh baka naman nag sawa na siya? Alam ni Zid at ng lahat ng tao sa buong campus nila maliban sa pamilya ni Cass na ang dalaga ay isang manloloko. Malaking salot at isang escourt!

Pero dahil sa kagustuhan ni Zid na makuha ang babaeng matagal na niyang pinangarap-ngarap, hindi siya nagdalawang isip na pasukin ang pakikipag relasyon sa nasabing babae. Kahit pa may mga naririnig siya isyu, hindi niya ito pinakinggan. Kahit pa alam niyang hindi nakuluntento sa isa ang dalaga, pinatulan niya pa rin.

"Youre speechless? Well, sino ba namang hindi. So, kilala ko pala tung babaeng to? New girl huh?" tinignan ni Cass si Gabriella mula ulo hanggang paa.
"She's... cheap" nagtawanan ang mga taong nakarinig sa sinabi ni Cass.

Nanlumo naman si Gabriella sa narinig. Okay lang na sabihan siya ng cheap pag silang dalawa lang, pero andami pang tao. Ano namang laban niya sa seksi? Sa maganda? At mayaman? Pero hindi siya nagpadala sa narinig niya.

"Ako cheap?! Eh—" pinigilan na ni Zid ang susunod pang sasabihin ng dalaga. Nagpumiglas pa ito.

"Ay hindi Chief! Hindi pwede yang ganyan! Sabi niya cheap daw ako ta—"

"Gabriella stop! Gumagawa ka ng eksena! Do you even fcking know her?!" tanong ng binata. Napakalma si Gabriella at napailing nalang.

"Huh. I thought cheap ka lang, youre scandalous din pala. Lets go hon. Were just wasting our time watching a cheap girl doing her tatrums na akala mo ikinaganda niya" nagtawanan nanaman ang mga tao kasabay ng pagtalikod ni Cass at ng kasama niyang lalaki.

"Walang hiyang babae yon! Porke—"

"Stop!"

Napatigil sa pag sasalita si Gabriella at napatahimik nalang. Klarong-klaro sa mukha ng kasama ang pagka init ng dugo nito. Pulang-pula na at halos magsilabasan na ang mga ugat sa ulo't sa leeg.

"Lets go!" hinila niya ang dalaga sa kamay at sobrang higpit pa ng pagkakahawak niya dito.

Nagpakaladkad nalang si Gabriella kahit alam niyang nasasaktan na siya sa ginagawa ng binata sakanya.

Nasa isipan niya ang mga posibilidad na pwedeng gawin ng lalaking kasama niya ngayon sakanya. Nagtatanong din ang isipan niya kung ano ba ang ginawa niya at ano ang kaugnayan ng binata don sa babaeng yun bakit ganun siya maka asta?
Magka-ano ano ba sila?

•••

G A B R I E L L A' S P O V

"Pumasok ka sa loob" sabi niya kaya dahan dahan akong pumasok. Natagalan pa siya sa pagpasok. Nag yosi pa ata siya.

Lumipas ang ilang minuto ay nakapasok na din siya at halos mapatalon ako sa upuan ko ng padabog niyang isara ang pintuang katabi niya. Kahit pa gustong gusto ko na siyang tanungin kung ano bang nangyayare sakanya. Bakit ba ganyan siya makaasta simula nung makita niya yung babaeng walang galang yun.

Tahimik lang siya at pinaglalaruan niya yung manibela nung kotse at niluwagan niya yung tie na suot niya. Nakatanggal na din yung coat niyang mamahalin at naka long sleeve nalang siya. Messy yung buhok niya and that made him look more hot. Erase! Hindi!

"What are you even thinking ha?!" I was startled by his voice that was so high pitched na siguro halos magutay gutay na ang mga ugat niya dahil sa sigaw niyang iyon.

"A-anong —"

"Are you even using your mind?! Nasan ba yang kukote mo?! We are on a decent event! Isang desenteng party! At gumawa ka ng eksena?! Ginaga—"

"Eh sa hindi naman ako ang nauna ah! Bakit?! Nakita mo ba ang ginawa sakin ng babaeng yun?! Ang lagkit lagkit nga ng suot ko dahil tinapunan niya ako ng juice! Oh?! Alam mo ba yun?! Ano bang pinuputok ng butse mo jan?! Ako—"

"Wala akong pake! Blah blah blah! You should've act decent! Pero obviously you acted the other way around! Pinahiya moko! Napahiya moko! Sana man lang nag ayos ayos ka sa uga—"

"Sasapaw ako ha? Edi sana hindi mo nalang ako sinama diba? Hindi naman ako nagpumilit isama mo ah? I was claiming this afternoon as my day off being your stupid maid! Inunahan na kita ah? Sorry! Kase alam ko na ang lalabas sa bibig mo!"

"Oo! Sana hindi nalang kita sinamang kriminal ka! Akala ko pa naman magiging decente ka kahit isang beses lang! Yun pala mali! Napahiya mo pa ako kay Cass!" hindi ko narinig yung last statement na sinabi niya pero alam kong kahit narinig ko iyon, masasakit lang naman na salita ang mga iyon kaya mas mabuti ng hindi ko narinig iyon.

Nakahawak ang kamay ko sa buksanan ng katabi kong pintuan para sa paghahanda ng paglabas ko.
"Oh ako na magsosorry ha? Ako pala nakapagpahiya sayo! Pwes, simula ngayon, wala ng makakapagpahiya sayo! Wala na! Kase aalis na ako! Wala akong pake kong ipapulis moko, ipakulong moko, edi sige! Hindi ako tatakbo at hindi ako magtatago! Wag kang mag alala, pagkauwi mo mamaya sa bahay mo? Wala na mga gamit ko!"

Lumabas na ako at padabog na sinarado ang pintuan ng kotse niya at tumakbo papalayo. Kahit pa ang hirap hirap tumakbo kase naka heels ako at nakalong gown. Pinilit kong makalayo sa kanya at maghanap ng taxi.

Namara ako ng taxi at umuwi sa mansion ni Zid.

Sa pagkakataong to, hindi na ako pangungunahan ng takot kahit pa ipakulong niya ako. I deserve that! Pero sa ngayon, tatayo ako. Nasasaktan na ako sa mga sinasabi niya at sa pagkakataong 'to, alam ko sa sarili kong tapos na.

Dito na magsisimula ang totoong laban.

The Snatcher Who Stole My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon